In two weeks’ time, mapapanood na natin ang pinaka-aabangang 18th anniversary concert ni Popstar Royalty Sarah Geronimo, ang Tala The Film Concert.
Halos one year binuo at pinaghandaan ito ni Sarah at ng Viva kaya’t paniguradong pasabog ang bawa’t number ni Sarah.
According the Tala The Film Concert director na si Paul Basinillo, for the first time ay pinagawa nila si Sarah ng isang stunt “na may danger” na game na game daw ginawa ni SG—palibhasa athletic na rin gaya ng mister niya. [Hihi =)]
Pikapika.ph is actually privy as to how the stunt was done. Nagpagawa pa ng special mechanism para lang sa special production number na ito at talaga namang lelevel-up pa ang paghanga n’yo kay Sarah pag napanood n’yo ito because na-execute niya na parang ang dali pero hindi.
With that number alone, sulit na sulit ang pag-aabang sa Tala The Film Concert. But we won’t spoil it for you.
To excite you some more, here’s a sneak peak at some of her looks sa Tala The Film Concert na mapapanood na on March 27 sa KTX.ph.
RELATED LINK: