After the box-office success ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo last year, Viva Films decided to bring back the formidable comic trio nina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E., via a new laugh-out-loud comedy film called Pakboys.
Iikot ang kwento ng Pakboys sa mga magbabarkadang babaero na nakatira sa isang condominium kasama ng kani-kanilang mga asawa na mga magbabarkada.
At para sa mas wapak comedy, dinagdag pa sa grupo ang makulit na theater and film actor na si Jerald Napoles.
Si Janno Gibbs ay gaganap bilang isang photographer sa isang sikat na advertising agency at laging nali-link sa mga model na nakakatrabaho nya.
Ang beteranong komedyante na si Dennis Padilla ay gaganap naman na isang stand-up comedian sa isang bar; habang dentista naman ang magiging papel ng rapper-actor na si Andrew E. at tattoo artist naman ang new addition na si Jerald Napoles.
Ang karakter naman ni Leo Martinez, na isang mayamang negosyante pero at may bata at seksing asawa, ang magiging takbuhan ng apat na bida tuwing mahuhuli sila ng mababagsik nilang misis sa mga kalokohan nila.
Maliban sa mga nabanggit na mga artista, kasama rin sa cast sina Angelu de Leon, Marissa Sanchez, Maui Taylor, Nathalie Hart, Gary Lim, Jeric Raval at marami pang iba.
The movie also marks the film reunion of Andrew E. and Ana Roces after 25 years.
Direk Al Tantay, the same guy behind Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo, ang siya ring nagdidirek ng Pakboys na kasalukuyan nang sinu-shoot.
Watch out for it soon.
YOU MAY ALSO LIKE:
Andrew E. admits he lost his magic; but not his talent
After 25 years, Andrew E., inaming nanligaw sya at na-basted ni Ana Roces