On-the-set LOOK of the most controversial movie of the year, MAID IN MALACAÑANG

Mula sa Viva Films, mas kilalanin pa ang world-famous First Family mula sa kwento ng taong naging bahagi ng kanilang pribadong pamumuhay. Mapapanood na ang MAID IN MALACAÑANG sa lahat ng sinehan ngayong August 3, 2022.

Photos: Vivamax

Mula sa Viva Films, mas kilalanin pa ang world-famous First Family mula sa kwento ng taong naging bahagi ng kanilang pribadong pamumuhay. Mapapanood na ang MAID IN MALACAÑANG sa lahat ng sinehan ngayong August 3, 2022.

Maraming naiintriga at nasasabik dahil malapit nang mapanood ang most controversial film ng 2022. 

Sa pagbabalik ng dating First Family sa Malacañang para muling pamunuan ang Pilipinas, alamin din natin ang bersiyon ng k’wento ng mga Marcos tungkol sa isang hindi malilimutang bahagi ng kasaysayan.

Mapapanood na ang MAID IN MALACAÑANG sa lahat ng sinehan simula ngayong August 3, nationwide. 

Produced by VIVA Films at mula sa brilliant mind ng pinakapinag-uusapang direktor ngayon na si Darryl Yap, ang MAID IN MALACAÑANG ay isang Family Drama movie tungkol sa last 72 hours ng mga Marcos sa loob ng palasyo bago lumipad papunta sa Hawaii noong 1986 People Power Revolution.

Tuklasin ang bersiyon ng world event na ito base sa eyewitness account ng isang “reliable source.”

Panahon na para ang mga Marcos naman ang magk’wento ng totoong mga nangyari sa kanilang pamilya sa mga huling araw nila sa palasyo, k’wentong ngayon pa lang maririnig at malalaman ng lahat.

May ipapakilala ring mga karakter at ibabahaging storyline ang pelikula na magpapakita kung paanong katulad din ng ibang pamilyang Pilipino, ay may close family ties, ang pamilya Marcos. 

Trending na ang pelikula bago pa man ito maging officially greenlit for production. Nakatanggap na rin ito ng mainit na pagtanggap sa  social media matapos ibahagi ng  direktor ang ideya sa kainitan ng 2022 National Election. 15

Ang k’wento ng MAID IN MALACAÑANG ay walang gustong baguhin sa kasaysayan, ibabahagi lang nito ang buong katotohanan. 

Ang pelikula ay mula sa direksyon at panulat ng malikhaing si Darryl Yap, ang direktor sa likod ng VinCentiments at ibang Vivamax Originals tulad ng Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar, Revirginized, Gluta, Ang Babaeng Walang Pakiramdam at ang blockbuster hit na #Jowable. 

Bibida sa pelikula ang ilan sa pinakamagagaling at hinahangaang artista sa bansa na sina Cesar Montano at Ruffa Gutierrez na gaganap bilang sina President Ferdinand Marcos, Sr. at First Lady Imelda Marcos. Bida rin ang premiere stars ng VIVA na sina Cristine Reyes, Diego Loyzaga, at Ella Cruz na gaganap naman bilang mga anak na sina  Imee, Bongbong, at Irene.

Kasama rin sa pelikula sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo. 

Mula sa Viva Films, mas kilalanin pa ang world-famous First Family mula sa kwento ng taong naging bahagi ng kanilang pribadong pamumuhay. Mapapanood na ang MAID IN MALACAÑANG sa lahat ng sinehan ngayong August 3, 2022.

Ang MAID IN MALACAÑANG ay mapapanood din worldwide. Bisitahin na at i-follow ang social media accounts ng Viva Films para makakuha ng latest updates tungkol sa international screenings ng MAID IN MALACAÑANG.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.