Mga nakakatawang kunot-noo at laglag-panga looks ng mga judges ng Masked Singer Pilipinas

Photos: Screengrabs from Masked Singer Pilipinas YouTube Channel

Photos: Screengrabs from Masked Singer Pilipinas YouTube Channel

Lima na ang na-a-unmask so far sa Masked Singer Pilipinas mula nang mag-launch ang show sa TV5 last October 24.

Sila ay sina Aspin na si Renz Verano pala.

Si Marieposa, who turned out to be Bituin Escalante.

Si Bee-ni Bee-ni ay si soul siren Niña pala. 

Si Syokoy, na si Meds Marfil pala ng True Faith. 

At si Agila na walang nag-akalang si Joey Generoso pala ng Side A.

So far ay safe pa sila (clockwise from top, left): 22B, Adarna, Tikboy, Sea-reyna, Valentino, Diwata, at Pusaway.

Inaabangan tuwing Sabado ng gabi, hindi lang ang mga nakaka-bilib na performances ng mga masked singers, kundi maging ang mga pasabog na makukulay na costumes nila sa show na dito lang makikita.

Pero kami dito sa pikapika, inaabangan din namin ang mga facial expressions ng mga judges na sina Aga Muhlach, Kim Molina, Matteo Guidicelli, at Cristine Reyes—at guest judges na so far ay sina Hadji Alejandro at Julia Barretto.

Nakaka-aliw kasing panoorin kung paano mag-contort ang mga facial muscles nila sa tuwing naiintriga sila kung sino ang masked singer sa harap nila.

Bukod kasi sa ida-judge na nila ang performances, added challenge pa na hulaan kung sino si masked singer...At kina-career nila ang pang-huhula kaya naman eto ang resulta....

May parang mananapak...may mukang kunsumido...may todo kunot-noo...may laglag-panga...may napapatayo pa...may tila nawiwindang...may naka-pamewang...may tulala...may napapa-pray over…

May “OMG!” moment...may “nasa-dulo-ng-dila ko” moment...may litong-lito look...may “give-up-na-ko” look...may napapa-debate...meron namang buntung-hininga look na lang…

  

Nevertheless ang gaganda at ang guguwapo pa rin nila, di ba?

Kayo, kaninong judge kayo pinaka-naaaliw?

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.