Jeica Dimatactac, star chaser no more

Muntik na palang hindi makapag-audition sa Born To Be A Star (BTBS) ang Batangueña sing-and-dance beauty na si Jeica Dimatactac.

 

Tila na-break niya ang trust ng parents niya during her pasaway teen-age days kaya nag-break din for a while ang supporta nila sa kanya.

“S’yempre po, no’ng teenagers days natin, madami tayong nagagawang kalokohan sa mga parents natin...” nahihiyang pagtatapat ni Jeica sa pikapika.ph. “Ayon po, hanggang sa parang dumadating sa point na hindi ka na nila papayagan kasi nagloko ka.”

 

Kaya naman itinuturing ng 21-year-old Sarah Geronimo and KZ Tandingan fan na biggest challenge na na-hurdle niya recently ang ma-win over ulit ang tiwala ng kanyang mga magulang. 

 

Kinausap daw niya nang masinsinan ang mommy niya para payagan siyang makipagsapalaran big time on national TV.

 

“Sabi ko nga po na, ‘Mommy, gusto ko talagang tahakin ito [showbiz], gusto kong mag-audition sa Born To Be A Star...kahit ano’ng mangyari, at least nag-try ako.’

 

“Tapos, ayon sabi nila, ‘Pagbibigyan ka namin ulit na patunayan mo ’yong sarili mo.’ Hanggang sa ayon na nga po, eto na ’yong nangyari. Hindi po kasi ako vocal na tao kaya po once na magsabi po ako sa kanila, alam po nila na gusto ko talaga.”

It’s all worth it naman dahil hindi man nakamit ni Jeica ang top prize or ang titulong “Grand Superstar,” ay kasali naman siya sa mabibigyan ng management contract ng Viva bilang reward sa pagkakasali niya sa Top 6 Finalists.

 

 As a Viva artist, p’wede pa siyang mas ma-train as a performer at malaki ang posibilidad na mabigyan siya ng singing and acting breaks. Moreover, napatunayan niya sa sarili niya—at sa mga magulang niya—na kaya na niyang dalhin ang sarili dahil hindi naman biro ang makipag-kumpetensya on national TV.

 

Worth it naman ang mga nasalihan niyang dancing and singing workshops since she was seven years old.

 

Pero according kay Jeica, kahit daw nakapag-workshop na siya in the past ay tila hihimatayin pa rin daw siya noong unang salang niya sa BTBS stage.

 

“Blazer po kasi ang suot ko no’n tapos, pinatanggal po nila [production staff] kasi ang parang gusto nilang i-image sa akin, beauty queen—kasi nanalo po ako sa municipality namin [ng beauty title],” pagre-reminisce ni Jeica.

 

“E, hindi pa po ako ganu’n ka-confident noon...pag tuntong ko po sa stage, nakita ko mga judges...kabang-kaba po ako. Gusto ko nang mag-back-out. Di ko kaya ang stage fright...Pero sabi ko, ‘Wala nang atrasan ’to...Minsan lang mangyari ’to.’”

Naka-four star (judges’ score) naman daw siya sa kanyang first performance pero napansin daw niyang nanginig pala ang boses niya nang panoorin na niya ang replay.

“Sabi ko, bawi ako next time pag nag-upgrade...”

Ang upgrade she did dahil in the end, nakasama nga siya sa Top 6.

Aminado din si Jeica na emotional siyang tao at ’yon daw ang isang outstanding quality ng Zodiac sign niyang Cancer. Pero tila mas naging emotional daw siya during her BTBS journey.

“Every time po na i-interview-hin kami [as part ng show], naiiyak po ako,” natatawang k’wento niya. “Hindi ko po alam kung bakit...kahit masaya po ’yong conversation, naiiyak pa rin ako. Kahit po sa stage pag tatawagin ako na nanalo ako [sa round], naiiyak pa rin po ako. Kaya parang kilalang-kilala po nila ako as emotional...”

Jeica lives by the word: “I never lose. I either win or learn.”
“Ang dami ko na pong nasalihang competitions, so never ko na pong inisip ’yong pakatalo. Kaya every time po na sasali ako, inisip ko nalang na lagi akong may matututunan, palagi akong may makikilala na kaibigan, na matuto sa mga experiences nila and sa mga lessons na ise-share nila sa akin. Hindi na po importante sa akin kung manalo o matalo. Du’n palang po parang okay na po.”

Among the judges or Star Agent, pinaka-takot daw siya kay Teacher Georcelle Dapat-Sy dahil dito raw siya nakaranas ng pag-a-unstar (meaning, binawi). Pero kay Sam Concepcion naman daw siya 

pinaka-kinilig especially noong sinabi nito na maganda siya at may star-quality.

And it looks like na nag-dilang-anghel si Sam dahil here’s Jeica now, isa ng Viva artist.

RELATED STORIES:

Mico Hendrix Chua, the accidental rock star

Born To Be A Star host Matteo Guidicelli, bilib sa “judging” skills ni Janine Teñoso

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.