Jehramae Trangia: Born to be a star

Bukod sa kanyang supportive mom, dapat sigurong pasalamatan ng itinaanghal na Born To Be A Star Grand Superstar na si Jehramae Trangia ang elementary teacher niyang nakarinig sa boses niya at nag-declare na may potential siya bilang singer kaya’t pinilit umano siyang sumali sa glee club para mas mahasa.

 

“Hindi po talaga ako masyado mahilig magkanta that time,” nagre-reminisce na k’wento ni Jehrame sa exclusive interview sa kanya ng pikapika.ph.

 

“So, parang ako, ‘Ay, ayoko po.’ Parang na-shy pa po ako, nahihiya ako. Pero pinilit po nila ako. ‘Sumali ka kasi nakikita namin may potential ka.’”

Isang beses daw kasi siyang na-assign kumanta ng Responsorial Psalm sa isang school mass at doon ay agad niya ngang nakuha ang atensyon ng teacher. Napilit naman daw siya, in the end, na sumali sa glee club.

 

Ta’s nu’ng nalaman ni mama na sumali ako sa glee club, sabi niya, ‘Why not, anak, na mag-voice lesson ka para mas ma-improve.’”

 

Sumige din siya dahil bilang bata, at a young age of twelve, curious siyang mag-explore ng maraming bagay.

 

“Nu’ng nag-voice lesson na po ako, ’yong parang voice workshop po namin parang may mall show... mas na-expose po kami sa tao. So, parang mas kakapal po ’yong mukha namin. Hahaha! Mas nahasa kami onstage mag-perform.

At 13, hinimok na raw siya ng kanyang mama na subuking sumali ng mga singing contests. Isang mall singing contest daw ang first try-out niya at agad ay nanalo siyang first runner-up.

“Sobrang hindi ko po ini-expect kasi nga po bata pa po ako and it was my first time and medyo nahihiya ako kasi first time ko pong contest ’yon,” dire-diretsong k’wento ng shy no more Cebuana. “Pero lucky nga po naging first runner-up po ako.”

 

Dito na siya nagsimulang mag-dream bigger at nag-attempt sumali mga singing contests sa TV gaya ng The Voice Philippines, kung saan hindi siya umano nakapasa sa audition; Tawag ng Tanghalan; at ang pinaka-huli ay ang Idol Philippines noon lang 2019. 

 

Bagama’t talunan noon, hindi naman daw natatalo ang kanyang spirit. In fact, ginagawa niyang motivation ang pagkatalo to do even better sa mga panibagong sasalihan.

Ang ultimate dream niya kasi—for herself and for her supportive mom na isang ring singer—any magkaroon ng title, ’ika nga.

 

“’Yon po ’yong goal ko, gusto ko pong may title, gusto ko pong maging grand champion, maging grand superstar. And it was my mom’s dream also. Hindi po ako tumigil hanggat hindi ko po ’yon naabot...nakamit.”

 

And now that she finally brought home a grand champ title, sobrang overwhelming daw pala sa pakiramdam.

 

“Kasi ito po ’yong gusto ko, ito po ’yong hinihintay ko.” 

 

Ngayon ay naniniwala na siya sa motto niyang: “Good things take time.” At eto nga nga ang time niya. This is her moment, sabi nga.

 

At dahil Grand Superstar na siya, lie low na raw muna siya sa pagiging kontesera sa mga TV singing competitions. 

 

“Siguro po as for now, okey na ako sa Born To Be A Star... siguro po kung ano po ’yong plan ni God. Kasi si God lang ’yong nakakaalam ng lahat and kung ano po ’yong opportunities na ibibigay niya sa akin, go lang po ako.”

Biro namin, tila mas maraming alam ang mama niya kaysa kay God. Hindi kasi nagsawa ang mama niyang suportahan siya. Marahil ang alam nito in her heart that her daughter is indeed born to be a star.  

 

“S’werte po ako kay mama kasi s’ya po ’yong nagpu-push sa akin and sobrang thankful po ako kay mama. Si mama din po kasi mahilig kumanta kaya gusto niya din po akong i-push.”

 

But looking back on her BTBS journey, nasanay na raw siyang maging “ibang Jehramae” kapag kumakanta na onstage. Marahil ay nahasa na siya sa mga naging past competition experiences. 

 

“As a performer po, siguro normal lang po ’yong kinakabahan. Pero ako po kasi backstage po ako kinakabahan... taposi iniiwan ko ’yong kaba ko backstage. Dapat pag nakasalang na ako sa stage, wala na ’yong kaba. Dapat confident na ako. ‘Ito na ’yong time na magpe-perform ka. So don’t hold back. Just show a good performance.’

 

“’Yon lang po ’yong ginagawa ko palagi. Iniiwan ko ’yong mga nararamdaman ko backstage. Parang ibang Jehramae po ako backstage and onstage... ibang character ’yong pinapakita ko. So, parang nako-kontrol ko ’yong sarili na, ‘Jehramae iwan mo ’yong kaba mo dito.’ Kasi iniisip ko po kasi na ’yong tutuntong na ako sa stage, dapat isipin ko na, ‘Baka ito na ’yong last mo, bigay mo na ’yong best. Wag ka nang kabahan.’ Yan po ’yong palagi kong sinasabi sa sarili ko.”

 

Pero malamang daw ay hindi niya ito magagawa sakaling mabigyan siya ng chance maka-duet ang idol niyang si Sarah Geronimo. Panigurado daw na hindi niya maiiwan ang kaba backstage pag nangyari ’yon.

 

“Siguro po iiyak muna ako bago mag-perform kasi dream ko po ’yon dati pa,” natatawang lahad ni Jehramae na naver pa palang nakita in person si Sarah.

Role model daw kasi talaga niya, when it comes to performing, si Popstar Royalty.

 

“Kasi we all know that she can do everything—she can dance, she can act, she can sing, she can host and parang ang talented niya po talaga. Wala na po s’yang hindi kayang gawin... parang kaya niya pong gawin lahat.”

 

Malaki naman ang posibilidad na maka-collab niya in the future ang idolo lalo pa’t pareho na silang taga-Viva ngayon. Isa kasi sa mga premyo niya—bukod sa one million pesos—ay ang mapabilang sa roster of talents ng nasabing media giant na siya ring nag-produce ng BTBS for TV5.

 

Jehramae today is a shining example that dreams—especially of you work hard for it—do come true. And we’re quite sure, hindi titigil ang magandang Cebuana to achieve more goals dahil “try nang try” ang patakaran niya sa buhay.

 

And look where she is now? 

RELATED STORIES:

Jeica Dimatactac, star chaser no more

Mico Hendrix Chua, the accidental rock star

Khrystine Reign Flor: The fiesta singer who’s meant for bigger stage

Jannah Faye Bocatiya: Ang masayahing diva

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.