JC Santos’ love and kitchen stories

Photos: Eilyn Yatco, @j.c.santos, & @shyleenaherrera

Photos: Eilyn Yatco, @j.c.santos, & @shyleenaherrera

Photo: @j.c.santos

Slightly ginulat ni JC Santos ang entertainment media noong aminin niya last January 2020 na kasal na pala siya. Naganap ang casual revelation sa press conference pa mismo ng On Vodka, Beers, and Regrets movie nila ng perennial on-screen partner niyang si Bela Padilla.

 

According to JC at that time, hindi naman daw niya itinago ang kasalan. “Wala lang nagtatanong.” Hindi rin daw siya ma-post ng mga personal na bagay sa social media at that time. (Unlike today na hindi niya mapigilang mag-post ng mga ganap ng super cute niyang anak si River Altheia. And we can’t blame him).

 

Nagsimula ang kaswal na latag niya ng marriage story nang sabihin ng versatile Kapampangan actor na sobrang blessed year para sa kanya ang 2019. Careerwise, he’s done four movies—Open, Tayo Muna, Habang Hindi Pa Tayo; Sunod, at ang blockbuster na Miracle in Cell No.7. Naisingit pa niyang magbalik-teatro at magbida sa Lam-Ang ng CCP.

 

 At sa personal life naman daw, that year daw niya naka-isang dibdib ang kanyang high school crush na si Shyleena Herrera. 

 

September that year pala sila nag-exchange I dos after only a few months of dating. Nagsimula ang kanilang whirlwind romance sa isang chance encounter sa Instagram na agad na lumalim dahil tapos na sila kumbaga sa mga childish ligawan ng high school.

 

And by the time of the Vodka press conference in January 2020, eight months pregnant na si Shyleena.  

 

First month palang ang kanilang si Baby River, who was born in February, nang ideklara ang lockdown sa buong Luzon dahil sa Covid-19 pandemic. Kaya mas’werte, in a way, si JC na na-witness niya up close ang several crucial months habang lumalaki ang anak sa kanilang bahay sa San Fernando, Pampanga.

Photo: Eilyn Yatco

BUILD, BUILD, BUILD

 

In 2018, may naipundar na daw na bahay at lote si JC sa San Fernando din, “malapit sa NLEX.” Katuwang daw niya ang father niya sa investment na ’yon at ang plano niya doon na titira at mag-a-ala farmer doon kapag walang trabaho sa Manila.

 

“Parang ang plano ko doon, nu’ng 2018 parang ano siya single house ko,” pagto-throwback ni JC na exclusive na nakausap nang pikapika.ph via Zoom kamakailan. “Kasi hindi ko naman alam na mag-a-asawa ako kaagad. Ang plano ko noon, tatayuan ko lang ng tiny house tapos may little farm—the works—na parang vegan [lifestyle]. Pipitasin ko lang ’yong kakanin ko. Kumbaga, low budget lang siya. Nagi-isip na din ako that time...’yong mga ipon ko, kailangan ko nang gawan ng paraan kasi I’m not getting any younger. So, parang I’m starting to build. Parang ganu’n. Nasa building stage na ako by...kaka-thirty [years old] ko palang [that time]. Sige, pagawa na ako ng bahay since parang feeling ko naman hindi na ako mag-a-asawa.”

 

But fate had other plans.

 

Dahil nga plano na niyang iwan ang inuupahang bahay sa Pasig at doon na mag-lagi sa San Fernando, sinubukan niyang makipag-reconnect sa mga high school friends to get a sense of community vibe.

 

“Parang ang nangyari, since titira na ako sa Pampanga, nag-isip ako kung papano hahanap ng community dito sa Pampanga. ‘O, sige, babalikan ko ’yong mga high school o ’yong mga friends ko na nako-kontak ko pa din nu’ng college—kasi nag-college ako sa AUF, Angeles University Foundation.”

 

[To the unfamiliar, JC, who wanted to pursue his dream of being an actor, uprooted—read: istokwa—himself from Pampanga at naglakas-loob mag-apply sa Theater Arts course ng UP. In his thirties, he’s decided to come back home.] 

 

“Tapos isang na-encounter ko sa Instagram, may nag-comment, ‘Kamukha mo Shyleena Herrera.’ Tapos, sabi ko, ‘Shyleena Herrera...Parang familiar?’ So, kin-lick ko. Tapos, nag-message ako sa kanya. ‘Uy, kamusta ka d’yan?’”

 

It turned out, she’s the same Shyleena Herrera in his high school memory. At part ng memory na ’yon ay ’yong pinormahan niya ito noon pero binasted siya dahil may image siya noon na babaero. 

 

By this time, the Shyleena in his high school history is already an accomplished chef who owns a restaurant in Lubao, Pampanga.

 

“Sabi ko, ‘Sige puntahan kita or mag-meet tayo some time.’ Ganu’n. Nag-meet kami somewhere sa San Fernando... Starbucks, ganu’n. Tapos, na-meet ko s’ya, sabi ko, ‘Uy, ang ganda. Chicks...’ Hahaha!   Tapos, single! Parang that time, kakahiwalay lang niya yata...”

Indeed, he found a “kakilala” na p’wedeng pagsimulan ng community na gusto niyang mabuo sana. Pero hindi community ang nabuo niya kundi romance dahil he preferred na solohin lang si Shyleena.

 

“At least meron na akong kakilala ulit na p’wede na akong tumambay sa Pampanga hanggang sa parang pumupunta na ako sa restaurant niya...nagkaroon na ng, ‘Tara, labas tayo ,tambay tayo dito...travel tayo dito...’ Hanggang sa naging date, hanggang sa we fell in love. Then we decided to get married. Parang ganu’n lang. Everything went smooth.”

 

At ngayon, kasabay ng pagbi-build ng pamilya, unti-unti ring pinapa-renovate ni JC ang bahay na kanilang tinitirhan na original bahay pala ng parents ni Shyleena, which JC offered to buy.

 

Hindi daw kasi sila maka-decide pa kung sa Manila ba o sa Pampanga titira. For the meantime, since buntis at that time si Shy (palayaw ni Shyleena), doon muna sila tumira sa bahay ng parents ni Shy na nag-silbing single home nito. 

 

Then, the pandemic happened.

 

“Sabi ko [kay Shy], ‘Bilhin ko na lang ’yong house ng parents mo since doon ka na rin naman nag-stay, renovate na lang natin na gusto nating itsura,” patuloy na pagre-recall ni JC. “So, pumayag naman. Nu’ng time na ’yon kasi nga pandemic, ’yong apo nila paano? ‘Sige dito na kayo,’ sabi nilang ganu’n.”

Photos: @j.c.santos & @shyleenaherrera

But prior to renovating anything, inuna muna ng mag-asawa ang magbawas ng mga gamit ng parents ni Shy.

 

“Pareho kaming fan ng big spaces ni Shy and pareho din kaming fan ng minimalist design--tapos may konting industrial,” k’wento ni JC. “Ang dami naming tinanggal na gamit kasi gusto namin talaga ng malalaking spaces...OFW parents din siya, so maraming gamit ’yong parents niya.”

 

“Nu’ng tinanggal namin lahat, parang nage-echo naman ’yong bahay sa sobrang daming nawala,” natatawang dagdag niya.

 

Patuloy niya: “For me, gusto ko ng malaking space kasi for the reason na p’wede akong mag-rehearse. ’Yon lang. Anywhere—’yong backyard, itong dining table, ’yong living room—na p’wede akong pag nagme-memorize ako ng script, meron akong, ‘Ah, p’wede akong mag-practice dito sa side na ito. Ganu’n lang. ’Yong minimalist talaga kasi nga hindi naman kami maraming gamit ni Shy—mas marami pa nga ’yong damit ko sa kanya.”

Photos: @j.c.santos

Matapos ’yon, natuon na ang focus niya sa pagre-renovate ng bahay during the lockdown. 

 

They started with the backyard. 

 

“Meron kasing mga [glass] sliding doors dito,” patuloy na k’wento niya. “Gusto ko naman makita na maganda ’yong itsura ng backyard...Parang ang laki-laki niyang space tapos parang hindi ko s’ya ma-maximize. Parang nag-isip kami [ni Shy] na parang gusto namin parang ano lang malaking space lang.

 

“Siguro ang design niya tiles lang. Tapos, lahat ng bagay mobile. P’wede kaming mag-dinner doon, mag-barbecue, mag-lunch... p’wede kaming maglagay ng pool, p’wede kaming maglagay ng swing...Kung ano’ng p’wede naming ilagay eventually. Ayon, gumawa kami ng malaking backyard. Kapag tumatakbo na si baby, at least meron siyang playground. Hindi naman namin alam kong hanggang kelan matatapos ’yong pandemic.”

Photos: @j.c.santos &@shyleenaherrera

When the backyard project was done. They moved on to the next: the kitchen.

 

By then, mid 2020 na noon kaya naisipan ni JC na it would be a nice gift for his wife, who’s a chef, in time for Christmas.

 

“Gusto ko meron s’yang maayos na paglulutuan,” says JC of his plan. “Kasi ang luma na ng kitchen. Parang nagbibitak-bitak na, oily na ’yong gilid dahil sa dami ng beses napaglutuan. So, parang renovation lang.”

 

Nagkataon din na nakakuha na ng license ang kapatid niyang architect, si Janice Santos, at nagta-trabaho na sa isang architectural firm sa Pampanga, ang Innovarc.

 

“So, sabi ko sa kapatid, ‘Invite kita dito sa bahay...gusto kong pagawa ng kitchen. Sukatan mo lang tapos p’wede ko naman pagawa sa iba. E, nakita yata ng boss niya na gumagawa siya ng design so parang, ‘Gusto mo dalhin ko diyan ’yong boss ko? So, dinala niya ’yong boss niya dito.”

Photos: Eilyn Yatco

As for his own specifications, he just wanted to have a granite center island with a faucet.

 

“Kahit wala doon ’yong lutuan, kahit ’yong lutuan nasa gilid lang. Ta’s nagpapakita na kami ng pegs.”

 

But he held back when he found out how pricey the granite was.

 

“Parang umaabot ng 200 to 300 thousand... so nanlambot ako. Sabi ko, papaano kaya ito?”

 

By September, his sister persuaded him to go ahead with the renovation, minus his granite dream. 

 

“Sabi niya, ‘Gusto mo na bang ituloy ’yong kitchen mo? Sige, tutulungan ka namin with this budget.’

Sabi ko, ‘O, sige Janine, ito lang ’yong gusto ko...gusto ko lang ng white, gray, at saka black. ’Yon lang. Maglaro nalang kayo sa kulay ng bahay na pasok pa rin sa modern.’

 

“‘Tapos ’yon na, binigay nila sa akin ’yong design, sabi ko, ‘Sobrang okay naman yan.’”

 

The new design, it turned out, geared towards the contemporary industrial theme—one that blends concrete, wood, and metal in one flawless rustic-modern feel.

Photos: Eilyn Yatco

At personal taste din naman daw ni JC ang industrial look.

 

“Kasi nu’ng time na nandoon pa ako sa Valle [Verde], ang dami ko nang pinapasok na metal table... na pipes, ganu’n. Tapos mga brass-looking accessories. Sabi ko, sige p’wede ’to, ah. I-try natin kasi gusto din namin ’yong Valle design, e. Gusto ko din ’yong concrete finish. So, naghanap pa sila ng maayos na painter—painter pala gumagawa noon [concrete finish]. Ngayon ko lang nalalaman.

 

“So, ’yong buong activities ko nu’ng pandemic, e napunta lahat sa interior [design]. Kasi nga parang, sabi ko, ‘Wow, iba itong nangyari sa akin na ang laman ng Instagram ko, e, puro interior design.” 

 

With the new granite-less design, the renovation budget became significantly smaller.

 

Innovarc then got the services of Bilale Wood Concept for the necessary woodworks.

 

“So, mas smaller budget ’yong kitchen pero ang ganda ang daming tumulong, may mga nagbigay ng ganitong presyo lang... tapos, nakagawa kami ng ganitong kitchen. 

 

“Ang pinakamabait, ’yong nagbigay ng modular [cabinets] kasi ’yong gumawa ng modular—’yong Bilale Wood Concepts—s’ya na ’yong nagbigay ng wall art at saka ’yong table at saka ’yong chairs.”

 

He and Shyleena couldn’t help but admire the finished kitchen.

 

“Hindi namin in-expect... actually ’yong acacia table, medyo nagulat kami doon na parang, ‘Okay ’to.’ Tapos ang ganda pa ng pagka-mount nila doon sa concrete na center island.”

Photo: @j.c.santos

JC is so happy with his kitchen that he’s on a roll about it. In fact, it’s his third favorite topic after Baby River and Shy.

 

And what’s good about it is that it was finished before Christmastime. Thus, Shyleena cooked the Noche Buena 2020 feast in her brand-new kitchen.

 

These days, JC and Shy are contemplating on another project: to convert a bar-like nook at the center of the house, into a real bar.

 

“Meron kaming isang part dito sa house na nasa gitna siya ng house tapos ’yung pagkagawa niya para siyang extra kitchen na bar area.

 

“So, meron din siyang mga modular...sabi ko, ‘Ano kaya ang plano natin dito?’ Madami naman akong friends na manginginom, plano ko na siyang gawin bar area.”
 

 Photo: @j.c.santos

But that’s not all. In time, when the pandemic is over, the couple is also planning to convert the backyard into an intimate restaurant.

 

“Kasi chef si Shy, so ang plano naming...may possibility na gawin namin siyang restaurant na

backyard style. So, dadaan lang sila sa gilid ng bahay. So, parang good for ten people. Mga ganyan. Plano palang naman.”

 

If that pushes through, they’re going to call it Bie Cusina.

 

“Ang bie sa Kapampangan is life and sharing. Dalawa ’yong meaning niya,” esplika ni JC.

 

In the meantime, siya nalang muna ang solong mage-enjoy sa mga gastronomic feast na wini-whip up ni Chef Shy sa kusina.

Photos: Eilyn Yatco

When asked kung anu-ano ang mga specialty ni cheffie wifey...

 

“Naku, ang dami! Nu’ng nakilala ko siya meron silang burger joint tapos meron Mexican part na fusion na masarap naman. Tapos ngayon, ’yong kapatid niya meron silang samgyupsal sa Lubao.  Siya ’yong nag-take over ng restaurant. So, ayon ang dami niyang kayang lutuin. Nagulat din ako. Ah, ganito pala ang mga chef, hindi lang isa ang specialty nila.”

 

At para hindi manaba, sinusundan nalang ni JC ng walang-palyang workout ang bawat masarap na kain niya.

 

“Sobra! Kain na kain ako dito. Lumalaki na nga ’yong mukha ko.”

 

Photos: @j.c.santos & @shyleenaherrera

The Shy Girl

 

Fifteen years ang lumipas bago muling nag-krus ang landas nila ni Shyleena Herrera—Shy for short. Nag-take chance lang si JC at inalam kung ang Shyleena na nakita niya sa Instagram ay the same girl na minsan niyang niligawan but failed to get the attention of.

 

This time around, when she agreed to meet him. “Hindi ko na pinakawalan,” say ni JC. 

 

Nu’ng nakita ko palang siya sa restaurant nu’ng bumisita ako, ‘Ah, ito na ito. Alam ko na,” diin ni JC.

 

Kaya naman kahit few months pala silang nagde-date, nag-propose na siya dito. Ready naman na siya dahil thirty years old na siya at that time at nakapag-ipon na kahit papaano. Moreover, he knew it nga daw instantly.

 

“Kasi sobrang ayaw ko nang pakawalan...pakasalan ko na. Okay na ako, ganu’n. Parang ang s’werte din kasi parang thirty years of saving...ang buong twenties ko, nagiging worth it lahat ngayon. So, tama din palang naghintay din ako.”

 

Dagdag pa niya: “Ang masaya doon, I think pag para sa’yo talaga magiging smooth lahat ng bagay... walang naging challenge na matinding-matindi.”

Photo: @shyleenaherrera

These days, larawan si JC ng isang masaya at kuntentong nilalang. May maganda at mabait na katuwang sa buhay; may cute na cute na pang anak na inspirasyon niya ngayon sa lahat ng bagay. Kaya naman bukod sa pagiging magaling na aktor, JC is also turning out to be a good family man.

 

“Sabi ko, parang tama lahat ng plano ko sa buhay... ngayon nangyayari ito, parang ganu’n sobrang enjoy kami sa pag-aalaga ng baby... Ang galing! Na-test namin ’yong relationship kasi naging team kami. Kumbaga, una parang magkaibigan na magkaibigan talaga kami—best friends—tapos ngayon, we’re a good team. Tinutulungan talaga namin ’yong isat isa and we don’t judge each other na. Tapos na kami doon. We go with the flow. Relaxed na ’yong environment ko. Ang galing.”

 

Married life suits him. And fatherhood becomes him.

Thus, he can only surmise his life in one word: fulfilled.

Photo: Eilyn Yatco

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.