Jannah Faye Bocatiya: Ang masayahing diva

Lumalabas na second-runner ng Born to Be A Star (BTBS) itong si Jannah Faye Bocatiya ng Manila.

 

And she reminds us of BTBS host Kim Molina na lumlki sa Saudi Arabia at isinasali din ng mga magulang sa mga talent competitions among the OFW (Overseas Filipino Workers) communities. 

 

Like Kim, sa Qatar naman lumaki ang ngayo’y eighteen years old ng si Jannah.

“Bale nu’ng six years old po ako lumipat na po kami ng kapatid ko doon para mag-aral po kasi po si mama at saka si papa doon po nagta-trabaho” paunang k’wento ni Jannah sa pikapika.ph

 

Eight years old daw siya nang una siyang isinali ng kanyang papa sa isang talent competition sa Qatar. 

 

“Sabi ni papa, ‘Since kumakanta ka naman, why not try mo kumanta?’ So, ayon po doon na nag-start, nu’ng nanalo po tuloy-tuloy na pagkanta po sa mga Filipino communities doon po sa Qatar. Doon ko na- realize na mas gusto ko palang kumanta.”

 

Nitong 2018 lang muling bumalik ng Pilipinas ang pamilya nina Jannah. Nagka-recession daw kasi doon at natanggalan ng trabaho ang kanyang mama. Minabuti nilang umuwi nalang dahil mahal din daw ang magpa-aral ng bata doon.

 

Challenge daw sa kanya ang pag-uwi nila dito dahil may culture-shock factor involved daw.

“’Yong culture doon sa Qatar po, which is very conservative ganyan...bawal lumabas...dito very open. So, ayon po. Hindi ko din po talaga alam kung ano ’yong kakahantungan po pag uwi ko dito sa Pilipinas,” pagre-reminisce pa ni Jannah.

 

Ang Born To Be A Star daw ang kauna-unahang niyang attempt ng pagsali sa talent search sa Pilipinas. First time din niyang mag-perform on national TV. Aniya, hindi niya akalaing makakapasok pa siya sa audition dahil last day na raw ng pa-audition noong mag-desisyon siya.

 

“So, parang suntok sa buwan talaga,” esplika ni Jannah. “Hindi ko alam na abot pa ako sa stage ng competition na ’yon kasi grabe sobrang gagaling din talaga.”

 

Ang tinutukoy ni Jannah na stage ay ang mapabilang siya sa Top 3 finalists at eventually ay nag-emerge pa as pangatlo sa buong competition. 

 

Bago iyon, however, ready na raw ang loob niya na ma-eliminate sa Top 4. Kaya nang tawagin siya bilang pasok sa Top 3 ay hindi niya agad na-acknowledge dahil in her mind ay laglag na siya.  

“Akala ko po kasi matatangal na po ako kasi ang flow po ng show every week po is three contestants will stand in front of the star po tapos usually po isa po ’yong matatanggal. So, during that time, I was already doubting ’yong place ko sa competition kasi lahat po sila sumayaw.

 

“And then, nu’ng tinawag po ako together with Hans [Paronda] and Jehramae [Trangia], kinabahan na po ako. I mean, like medyo tanggap ko na sa sarili ko na hindi po ako papasok...kaya nu’ng in-announce po na pasok po, hindi po ako makapaniwala. Nagtanong pa po ako kung totoo. Nahagip po ’yon ng camera. So, parang medyo nakakahiya po.”

 

Among the Star Agents or judges, pinaka may nginig factor daw sa kanya si Teacher Georcelle [Dapat-Sy]. Kaya iba daw ang dating sa kanya pag nakikita niyang nakangiti ito habang nagpe-perform siya.

 

“Kasi parang ano po siya, e, s’yempre po mentor siya ng mga big artists,” esplika ni Jannah. “May hinahanap siya na kung swak ba lagi ganyan pag nakikita mo po ’yong reaction niya.

 

“Kaya ako po pag nakita ko ’yong reaction niya na ngumingiti, parang fulfillment po sa akin na parang may nagawa akong tama sa performance ko.” 

 

Meanwhile, ang mga comments naman daw ni Star Agent Andrew E. ang laging nagpapa-inspire sa kanya.

 

“’Yong favorite ko pong comment niya during the Top 6 [round] wherein nasabi niya na hindi ko kailangan sumayaw...kasi nga po ako din po ’yong contestant sa BTBS na hindi po sumasayaw...na performance din po ’yon [pag kumakanta lang]. Parang lumakas po ’yong loob ko na okay lang pala na kahit kumanta lang, hindi kailangan sumayaw.” 

 

As a new Viva contract artist, dream collab daw niya in the future na maka-duet ang ultimate idol na si Regine Velasquez at kung sakali, pipiliin daw niya either ang “Tanging Mahal” or “On The Wings of Love” bilang duet piece nila.

 

“Kasi ’yon po ’yong favorite ko na kinakanta niya po.”

 

We feel na mangyayari ito, Jannah. 

RELATED STORIES:

Khrystine Reign Flor: The fiesta singer who’s meant for bigger stage

Jeica Dimatactac, star chaser no more

Mico Hendrix Chua, the accidental rock star

Born To Be A Star host Matteo Guidicelli, bilib sa “judging” skills ni Janine Teñoso

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.