In celebration of Viva's 41st anniversary, naisipan ni Boss Vic del Rosario na magpagawa ng "Viva's Wall of Fame" na siyang pinasinayaan noon mismong araw ng anniversary, which was last November 11, 2022.
The Viva Wall of Fame is comprised of 41 well-selected black-and-white photographs of Viva's pioneers and luminaries at kasama dito ang mga taga-mundo ng musika. Ito ngayon ang nakasabit sa palibot ng buong opisina ng Viva sa 7th flooor ng Tektite Towers sa Ortigas Center.
Initially, simpleng display lamang daw ang gusto ni Boss Vic, ayon kay Direk Paul Basinillo, who is also now the Chief Marketing Officer of Viva. He's the one who suggested the dea of the wall of fame na agad namang binasbasan ni Boss Vic.
Direk Paul formed a selection committee pero si Boss Vic mismo ang namili ng Final 41 who will represent Viva's 41 years.
"The idea is for the young artists to look up these celebrities," lahad ni Direk Paul. "Parang ganu'n 'yong idea niyan. Para ma-inspire sila na hopefully in a few years' time, nandyan ka na rin."
Nagpa-renovate ng ilang bahagi ng opisina in time for the reveal. Pero ang pinaka-challenging part daw sa part ng wall of fame team ay ang paghahanap ng mga larawan at ang pag-re-restore ng karamihan dahil hindi na ganu'n kaganda ang quality dahil sa age.
"Tiniyaga yan, ni-retouch," ani Direk Paul. "Kumbaga sa film restoration, parang ganu'n ang ginawa namin. We restored the photos. We have to go the entire process para maging presentable to everyone."
Every year daw ay madadagdagan ang bilang ng masasali sa wall of fame. Pero hindi pa nila napagde-desisyunan kung ilang per year ang maisasali.
And for that, inaaayos na rin daw ang mga extension offices sa 10th at 6th floor ng Tektite.
When asked kung sa tingin ba niya any walang magseselos na Viva stars na hindi nakasali this year, sa palagay niya ay maiintindihan naman ng mga ito na 41 lang ang kayang i-accomodate this year.
"I think they can understand...variety naman [ang napili]—from music to film to entertainment directors, writers, composers... ganu'n po s'ya. Like George Canseco is there."
The 41 Viva luminaries are: FPJ, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Robin Padilla, Sarah Geronimo, Anne Curtis, Nora Aunor, Aga Muhlach, Eddie Garcia, Regine Velasquez, Andrew E., Vice Ganda, Christine Reyes, Christopher de Leon, Matteo Guidicelli, Bela Padilla, Xian Lim, Nadine Lustre, Yassi Pressman, Bong Revilla, Hilda Koronel, Philip Salvador, Cesar Montano, Cherie Gil, Dawn Zulueta, Nanette Medved, Dina Bonnevie, Rufa Mae Quinto, Janno Gibbs, Donna Cruz, Vina Morales, Herbert Bautista, Mark Bautista, Kylie Verzosa, TGIS, Viva Hot Babes, Dindo Fernando, Leroy Salvador, Dennis Garcia, Willy Cruz, and George Canseco.
Very jovial ang mood ni Boss Vic during the ribbon-cutting ceremony at lalo na noong-isa isa na n'yang na-view, along with other Viva executives, ang mga framed photographs—each representying a piece of Viva history—that are now gracing the Viva office.
Sa kanyang mini speech during the program pagkatapos ng pag-iikot niya sa kabuuan ng Viva office, sinabi ng Viva topman sa kanyang mga empleyado at members of the press na naroon na maraming magaganap na pasabog ang palaki nang palaking Viva Entertainment enterprise.
"Maraming salamat, forty-one years ng Viva. Thank you, thank you. Hopefully more movies, more blockbusters, and s'yempre ang mga bago nating negosyo like Vivamax, Viva Foods, Viva Kids, tapos 'yong ating digital, 'yong Oomph. Vivamax Prime will be launched next year...
"Thank you sa lahat. Forty one years! Salamat."
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber