Gladys will do anything for the kontrabida craft

PHOTO: @imgladysreyes

PHOTO: @imgladysreyes

Mukhang habang-buhay nang pangangatawanan ni Gladys Reyes ang pagiging kontrabida onscreen. Even if paminsan-minsan ay nabibigyan siya nang non-villain roles—lalo na sa mga pelikula—at nade-deliver din naman niya nang maayos ang mga ito, pero tila ang pagko-kontrabida pa rin ang lumalabas na forte niya.

      Kagaya ngayon na agaw-pansin ang semi-comedy na atake niya sa masama-ang-budhing- role na Amanda Fuentes sa consistently high-rater GMA-7 primetime dramedy na I Will Always Love You (IWALY). Halos walang episode na lilipas na hindi niya pinahirapan ang bidang si Barbie Forteza (Happylou) at ibang pang cast members gaya nina Ricky Davao, Manilyn Reynes, at Nova Villa.

      Sinister sister-in-law ng bilyonaryong Cebuano na Ricky Davao (Philip Fuentes) ang role ni Gladys na minani-obra lang ang pagpapakasal sa kapatid ni Philip na si Perry (played by Wendell Ramos) para magkaroonnng access sa mga ari-arian ng single billionaire na si Philip.

      Naging masalimuot ang plano ni Amanda’ng makamkam ang kayaman ng mga Fuentes nang lumitaw na may anak pala sa pagka-binata si Philip at yon ay si Happylou (Barbie Forteza), na siyang direktang may karapatan sa mga kayamanan ng ng mga Fuentes.

      Maghihirap si Amanda pero babangong muli at hindi titigil para mawala sa landas niya si Happylou.

      Ayon kay Gladys, binigyan siya ng mga writers at director ng teleserye ng creative freedom kung tawagin para atakihin ang role niya. At dahil komedyantye naman sa tunay na buhay si Gladys kung kaya’t madali niyang naihahalo sa matatapang niyang dialogues ang pagka-komedyante niyang taglay.

      “Gaya no’ng expression ni Amanda na, ‘Im pretty sure…’ imbento ko ’yon, sinadyest ko sa mga writers, okey naman sa kanila,” kwento ni Gladys sa PikaPika via Messenger coversations.

        “Sabi ko, kasi ang uso ngayon, may line na tumatatak sa viewers. Lalo na ang mga bading na naka-tutok sa mga teleserye, type nila ’yong may gagayahin silang lines later on.

“So far, aliw naman ang mga tao pag lagi kong sinasabi yon. Tapos, sa akin din galing ’yong, ‘Right away!’

      “Kasi laos na ang ‘Now na!’ o kaya ‘Go, go, go!’”

       Maganda ang feedback ng mga viewers kay Gladys at ayon pa sa iba ay tila mas napapansin pa ito kaysa sa bidang si Barbie.

      Paano naman ay game na game si Gladys sa kung anuman ang ipagawa ng script sa kanya. Mula sa gawing siyang fashionista hanggang sa gawing taong-grasa, hanggang sa ibitin siya sa helicopter at gawing tila action star sa ilang eksena.

      All for the love of her craft, hindi tatalikuran ni Gladys ang hamon ng kanyang role.

      “Kasi nandiyan ka na, alangan naman hindi mo pa ibigay di ba? Saka alam ko naman gusto ng mga nanonood kasi lumalabas naman sa feedback. Ako, pag gano’n, lalo ako ginaganahan. Sige, ano pa? Keri yan!” say pa ng tinaguriang babaeng-bakla na si Gladys.

      Nagsimulang lumutang ang talent ni Gladys sa pagko-kontrabida sa Mara Clara noong early 90s bilang Clara, ang tagapagpahirap sa buhay ng bidang si Mara (played by Judy Ann Santos).

 

Yayamanin  ang peg ni Gladys sa mga unang appearances ni Amanda sa IWALY.

      Isa siya mga top bosses ng Fuentes Group of Companies kaya’t corporate donya ang nilalaro niyang look sa tulong ng stylist na si Margaux Medina at sa grooming ni Mamarhaye dela Cruz.

      Pinauso ni Gladys sa social media pages niya ang hashtag na #Amandarific tuwing magpo-post siya ng look ni Amanda for the day.

      Isa sa mga tumatak niyang dialogues sa soap opera goes:

       "Produkto ka lang ng imahinasyon ko, karakter ka lang sa script na sinulat ko… kapag pasaway ka, tatanggalin kita sa eksena…right away!”

 

Dumating sa point na kinailangang mag-disguise ni Gladys bilang Amanda para palihim na mamanmanan ang grupo ni Happylou.

      At sa iba-ibang episode, kinailangan niyang maging pulubing-bulag, taong-grasa, basurera, blondina, at safari zoo guide.

      Isa pa sa nagpa-igting sa pagko-kongrabida ni Gladys sa IWALY ay dahil ka-tandem niya sa kasamaan ang real-life husband niyang si Christopher Roxas. (right photo, left).

 

May phase Amanda na lagi siyang naka-floral at formal hat.

Isa pa sa mga di malilimutang lines niya sa IWALY goes:

"Itong ginagawa ko—kontrabida to the nth

power. Baka nga mag-enroll pa si Satanas sa tutoring class ko."

 

Hindi alintana ni Gladys ang eksenang mahuhulog siya sa lumilipad na helicopter at makaka-kapit siya rito habang nasa ere.

       Pinag-aksyon for the first time si “Amanda” sa show.

 

True love ni Amanda si Byron (played by Christopher Roxas) sa soap opera, at true love naman niya in real life si Christopher.

 

Pinag-Maleficent din siya.

Isa pa sa mga unforgettable dialogues niya na ibinato niya sa transgender character played by Epi Quizon:

"Subukan mo lang sabihin na ako me kagagawan nang nangyari at sisiguraduhin kong bukas, isa ka ng multong bakla!”

 

 

Idol na idol ni Gladys ang primera kontrabidang si Ms. Cherie Gil, na nagre-reyna rin ngayon bilang ang matapobreng si Helena sa GMA-7 primetime drama din na Onanay, ang pre-programming ng teleserye ni Gladys na IWALY.

      Ang IG caption  ni Gladys sa photo-op niyang ito with her idol reads:

“Kontrabida to the nth power!! Amanda and Helena back to back weeknights on GMA!! Inday Will Always Love You is right after Onanay!!”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.