Gelli, may bagong "anak"

“Bunso” ang tawag ni Gelli kay Nugget, ang kanilang Labrador na dumating sa kanilang buhay last May.

Photo from @gellidebelen Instagram

“Bunso” ang tawag ni Gelli kay Nugget, ang kanilang Labrador na dumating sa kanilang buhay last May.

Bukod sa mga Asian dramas at K-Pop (Korean pop) stars, may bagong kinahuhumalingan ngayon si Gelli de Belen at ito ay walang iba kundi ang kanilang Dudley (or pink nose) Labrador retriever na pinangalanan nila ng kanyang asawang si Ariel Rivera na Nugget Rivera.

 

May 27 this year nang ipinakilala ni Gelli de Belen sa publiko, via her Instagram account @gellidebelen, si Nugget. At magmula noon at naging regular fixture na si Nugget sa kanyang mga posts at nakikipag-agawan ng espasyo sa mga posts niya tungkol sa mga anak na sina Julio at Joaqui Rivera at sa iba pang mga IG-worthy interests niya.

Pareho na kasing college graduates ang dalawang binata ni Gelli, also known as Gagay to her friends, kaya nag-desisyon sila ng asawang si Ariel na mag-alaga na aso na kung ituring nila ngayon ay parang bunsong anak.

Panay ang post ni Gelli sa Instagram account niya ng mga kuha kay Nugget. Sa kabaliwan niya rito, hindi na tayo dapat magtaka kung isang araw ay gawan na niya ito ng sariling IG account.

In one of her IG posts last July tungkol kay Nugget, emosyonal ang tono ng kalakip nitong caption and it read: “Sometime I can’t believe how much this makulit pooch has changed our lives in a span of two months.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.