Beks Battalion na sina Lassy Marquez, MC Muah, at Chad Kinis, niregaluhan ni Megastar Sharon Cuneta ng living room, dining room, at bedroom showcase!

Photos: Instagram & Videograbs from Beks Battalion Youtube Channel

Photos: Instagram & Videograbs from Beks Battalion Youtube Channel

Napagdesisyunan ng magkakaibigang comedians na sina Lassy Marquez, MC Muah, at Chad Kinis—collectively known as the Beks Battalion—na tumira nalang sa isang bahay para mas madali para sa kanila ang bumuo ng mga vlog contents nila para sa kanilang humahataw na Youtube Channel na binuo lang ng magsimula ang lockdown pero meron ng 446K subscribers now.

Halos isang buwan daw silang naghanap ng ideal na house para sa kanilang tatlo. And nang finally ay na-spot-an nga ng comedic trio ang type nilang bahay ay agad nila itong ipinakita sa kanilang mga subscribers via their  “Empty House Tour.” 

Nang mabalitaan ni Megastar Sharon Cuneta—na legendary sa showbiz ang pagka-generous at matulungin—na wala pang laman ang bahay nila, ay agad itong nag-promise na sagot na niya ang furniture ng mga beki.

And recently nga lang ay dumating na ang mga packages from Mega! And true to her words, wala nang po-problemahin ang beks in terms of furniture pieces dahil kumpletos rekados na ang mga pinadala ni Mega—complete living room, dining room, at bedroom packages! 

Ayon kay Lassy, sa DM (direct message) daw sa kanya ni Mega sa Instagram ay sinabi lang ni Mega na way of thanking lang ito ni Mega sa kanila para sa aliw na dulot nilang tatlo sa kanilang mga viewers, including her.

O, di ba, ang bongga matuwa ni Mega?

Excited na ipinakita ng Beks Battalion ang furniture ayuda ni Megastar Sharon via their special unboxing vlog. 

To view the video, just click on the link below:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.