Young actress na na-late sa taping, pinagsabihan ng senior co-actor na mag-sorry sa lahat nang pinaghintay niya

Sabi pa ng ilang involved sa production tungkol kay young actress, bukod sa aloof ito ay meron silang nakikitang undefined something kay young actress. Hindi lang daw talaga onscreen presence nito ang bland kundi maging ang off-screen persona. Hindi raw sila magtataka kung mas tumingkad pa ang ningning ng counterpart nitong kontrabida kesa sa kanya dahil bukod sa articulate at tsikadora, nagde-deliver din onscreen.

Sabi pa ng ilang involved sa production tungkol kay young actress, bukod sa aloof ito ay meron silang nakikitang undefined something kay young actress. Hindi lang daw talaga onscreen presence nito ang bland kundi maging ang off-screen persona. Hindi raw sila magtataka kung mas tumingkad pa ang ningning ng counterpart nitong kontrabida kesa sa kanya dahil bukod sa articulate at tsikadora, nagde-deliver din onscreen.

Hindi pa man sumisipa ang career ng isang young actress ay tila pinasukan na ng ere ang kanyang kukote.

 

Nabigyan lang ng isang bida role, na hindi pa naman sure kung kakagatin siya ng tao sa role na ito, ay feelingera na umano sa set.

 

Mailap daw ito sa mga co-stars at hindi nakiki-bonding.

 

At minsan ay na-late ito ng one-hour sa taping na parang walang nangyari.

 

Hindi raw naka-tiis ang isang mas senior star sa kanya at sinabihan si young star na mag-sorry sa lahat ng co-stars at sa mga production staff na pinaghintay niya.

 

Imagine, kung hindi pa sinabihan, walang maririnig na apology mula sa young actress.

 

Naiiling nalang daw ng lihim ang mga kasamahan.

 

Maski daw ang ilang kasamahan sa show ay ilag dito dahil pang may aura ito ng aloofness.

 

May mga nagtatanggol naman dito at sinasabing baka mahiyain lang at relatively newbie pa. Baka raw name-misinterpret lang ang pagiging shy nito.

In fairness daw ay napakasipag naman nitong mag-training at talagang binuhusan ng oras at effort ang paghahanda para sa kanyang role. Kabibiliban mo rin naman daw ang dedication.

 

Pero sabi din ng ilang involved sa production, meron silang nakikitang undefined something kay young actress. Hindi lang daw talaga onscreen presence nito ang bland kundi maging ang off-screen persona.

 

Hindi raw sila magtataka kung mas tumingkad pa ang ningning ng counterpart nitong kontrabida kesa sa kanya dahil bukod sa articulate at tsikadora, nagde-deliver din onscreen.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.