Young actress, in love sa isang hunk at hindi sa ka-loveteam

PHOTO: VectorStock

PHOTO: VectorStock

Balik-tambalan na sa TV ang isang sikat na loveteam ng isang network pero hindi nabura ng muling pagsasama nila sa TV ang fact na may iba ng itinitibok ang puso ni young actress habang feeling sawi si young actor.

Ang apple of the eye ngayon ng young actress ay ang male hunk na nagbibida sa isa pang TV series ng same network.

Ilang beses nang pinaki-usapan ng TV network management ang dalawang nagkaka-ibigan na for the sake of their respective careers ay wag na munang isa-publiko ang relasyon dahil nakakasira ito sa mga plano sa kanila ng istasyon. Pero bagama’t hindi nga nila inaamin sa publiko ay bine-betray naman sila ng mga ganap nila off-cam at marami-rami na rin public sightings sa kanila. Napapa-buntong-hininga nalang ang mga network executives dahil hindi sila sinusunod ng dalawa. Nanghihinayang lang sila dahil malaki na ang na-invest nila sa pag-build up ng loveteam nila young actress at young actor na ang lakas pa naman ng chemistry. 

May iba rin sana silang plano para kay hunk boyfriend ngayon ni young actress at pati yon ay apektado. Matinding pagkakanlong pa rin ang nagaganap sa ngayon as far as mga nakapaligid kay young actress at hunk actor are concerned pero kung hindi talaga nila maaawat ang new lovers, baka kailangan na nilang umisip ng ibang hakbang. 

Hindi talaga sa lahat ng panahon ay nagkakatuluyan ang magka-loveteam.