TV personality, tulala sa puyat at sa dami ng utang

TV personality, tulala sa puyat at sa dami ng utang

Mukhang may mabigat na problema na naman ang TV personality na ito kaya apektado ang trabaho niya.

Kinukutuban ang production staff ng show na kinabibilangan ni TV personality na baka bumalik ito sa dati nitong bisyo na paggamit ng droga. Napapansin daw kasi nilang parang wala ito sa sarili lately at nakakalimutan ang mga spiels kahit na nag-rehearse sila ng dalawang beses.

Pero ayon naman umano sa taong malapit kay TV personality, mukhang hindi droga ang dahilan ng pagka-tulala nito. Ang indikasyopn daw kasi pag nagda-drugs ito ay basta na lang daw nawawala at magpapakita lang ulit after one week. 

E, present naman daw ito parati sa taping kaya malamang ay hindi raw drugs ang nasuungan nito.

At sa pagka-kalkal ng production staff ng kinabibilangan niyang show, napag-alaman na nalululong naman sa online gambling si TV personality. Napupuyat daw ito sa pagtaya gabi-gabi at malaki umano ang naipa-patalo nito.

Kuwento ng source: “Nag-away na pala sila ng manager niya dahil sa bisyo niyang yan. Nagsigawan sila noon sa dressing room dahil sa nalulong ito sa online gambling bago pa magkaroon ng pandemic. 

“Panay daw hingi ng pera [ni TV personality] sa kanyang manager at may bayarin daw siya. Pero dahil alam ng manager niya ang mga gastusin niya— dahil siya ang humahawak sa expenditure budget nito para di niya magastos lahat ng suweldo niya—kaya nagtataka ito kung ano ang babayaran? 

“Umabot pa sa murahan dahil ayaw aminin ni TV personality kung para saan yung perang hinihingi niya. Hanggang ibinuking ni manager na alam niya ang pagsusugal nito at libu-libo na ang napapatalo niya.”

Dinaan daw bigla sa iyak ni TV personality ang manager, sabay nagmakaawa dito. Kesyo minumura na raw kasi siya ng mga pinagkaka-utangan niya dahil sa online gambling. 

Para malaman ni manager kung totoo ang sinasabi ni TV personality, hiningi nito ang mga numbers ng mga pinagkakautangan at siya ang kakausap sa mga ito.

Isa-isa raw kinausap at binayaran ni manager ang mga ito para wala ng utang si TV personality. Nag-promise pa si TV personality na di na siya magsusugal.

Pero mukhang natukso ulit si TV personality na magsugal kaya muli raw silang nag-away ng manager niya.

Sa panahon ngayon na walang work ang ibang artista, pinapaalala ng mga taong close kay TV personality na masuwerte siya at masipag ang manager niya kaya may regular siyang trabaho. 

Kaya huwag daw sana niyang sayangin ang kinikita niya dahil sa walang kuwentang bisyo.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Newbie actress, nabistong nagpapasok ng boyfriend sa lock-in taping; character sa show, “pinapa-patay na” ng mga bossing

Senior actor and newbie actress, nagka-developan sa lock-in taping

Sexy newbie, iniwasan ng mga male co-stars sa set dahil pinagseselosan ng mga dyowa

Male singer, nagbantang mag-walk out nang matapakan ang mamahaling sapatos

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.