Supporting actor na nagde-demand ng special treatment, nasopla

Nahimasmasan naman daw ang aktor at tinanggap na hindi pa siya kalakihang artista para makapag-demand ng special treatment.

Illustration: Katrina Jamilano

Nahimasmasan naman daw ang aktor at tinanggap na hindi pa siya kalakihang artista para makapag-demand ng special treatment.

Natalakan daw ng bonggang-bongga ng isang talent manager ang kanyang alagang supporting aktor na hindi pa naman katagalan sa showbiz industry.

Kasali kasi ito sa isang teleserye na nagsu-shooting out of town.

Nang magpatawag na daw ng next round of shoot out of town ay nag-demand ito ng solo room sa hotel na ikinaloka ng production na karaniwang nagtitipid. Nag-threaten daw ang aktor na hindi sisipot kapag hindi siya napagbigyan.

Sad reality naman talaga na sa Pilipinas, ang mga bida lang ang binibigyan ng solo rooms o kaya naman ay may senior stars. At ang kalakarang ito ay alam at tanggap na sa local tinseltown.

Hindi rin naman kasi makatarungan sa production kung lahat ng artista nila ang iso-solo room nila. Masyado itong magastos. At magiging source of intrigue naman kung mapagbigyan si aktor gayong the rest of the supporting cast ay nasa double rooms.

Pero dahil nag-threaten ang nasabing aktor, nalektyuran daw ito ng manager at ikunumpara sa ibang mas seasoned nitong alaga na never nagparanas sa kanya ng banta o nag-demand ng mga bagay na mahirap i-justify.

Nahimasmasan naman daw ang aktor at tinanggap na hindi pa siya kalakihang artista para makapag-demand ng special treatment.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Female starlet, namumuro na sa pagka-taklesa; latest victim niyang female celebrity, nagpigil lang na sapakin siya

Aktres, atat nang magka-lovelife pero mga boylets ang mailap

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.