Show ng dalawang aktres, na-cancel matapos nilang magtalakan sa set

Pilot taping palang ng show, nagka-iringan na ang dalawang aktres na kapwa mataas ang ihi. 	According kay Aktres A, maingay at palamura raw daw si Aktres B "Hanggang sa hindi na ako makatiis sa ingay niya, sinigawan ko na siya na tumahimik. Aba, nagalit pa at wala raw akong karapatan na patahimikin siya. Sinabi ko sa kanya na isa pang mura na galing sa bunganga niyang burak, ipapasak ko ang bote ng mineral bottle sa ngala-ngala niya. "Doon na siya nag-freak out at tine-threaten ko raw buhay niya. Baliw di ba?” Say naman ni Aktres B, cause of delay daw ang ka-artehan nito. "Noong pilot taping namin, siya na lang ang hinahanap sa set. May blocking kasi kaming dalawa. E, usapan na after ten minutes labas na ng tent at magsu-shoot na. E, kailangan ng direktor namin ’yung natural light, ang problema sa isang ito, ayaw lumabas ng tent dahil mainit daw. So, sino ang hindi magmumura sa ginagawa niya?”

Pilot taping palang ng show, nagka-iringan na ang dalawang aktres na kapwa mataas ang ihi. According kay Aktres A, maingay at palamura raw daw si Aktres B "Hanggang sa hindi na ako makatiis sa ingay niya, sinigawan ko na siya na tumahimik. Aba, nagalit pa at wala raw akong karapatan na patahimikin siya. Sinabi ko sa kanya na isa pang mura na galing sa bunganga niyang burak, ipapasak ko ang bote ng mineral bottle sa ngala-ngala niya. "Doon na siya nag-freak out at tine-threaten ko raw buhay niya. Baliw di ba?” Say naman ni Aktres B, cause of delay daw ang ka-artehan nito. "Noong pilot taping namin, siya na lang ang hinahanap sa set. May blocking kasi kaming dalawa. E, usapan na after ten minutes labas na ng tent at magsu-shoot na. E, kailangan ng direktor namin ’yung natural light, ang problema sa isang ito, ayaw lumabas ng tent dahil mainit daw. So, sino ang hindi magmumura sa ginagawa niya?”

Talak-fest ang nangyari sa dalawang matataray na aktres kaya hindi na natuloy an*g dapat sana’y pagsasamahan nilang TV show sa isang cable channel.

Yabang at pride ang umiral sa dalawa kaya walang nagawa ang producer kundi itigil na ang pilot taping dahil wala raw sumusuko sa dalawa pagdating sa tarayan. 

May magkaibang bersyon ang dalawang aktres, na nasagap ng aming source, sa kung ano ang nangyari sa taping bago ito pina-pack up ng producer. 

Bersyon ni Aktres A, simula pa lang daw na mag-meeting sila para sa show, pinag-iinitan na siya ni Aktres B. Lahat daw ng ideas niya para sa isang segment ng show ay kinokontra ni Aktres B. 

"Feeling naman ang dunong-dunong niya sa concept ng show. E, ang simpleng technical term hindi niya alam ang ibig sabihin. 'Yung mga binabato kong ideas, binabaril niya. In the first place, 'di kami close at ayokong makipag-away sa taong mas matanda sa akin,” pagri-reasoning ni Aktres A.

Patuloy ni Aktres A: "Tapos bastos na mga words pa ang lumabas sa bibig niya. Noong mag-pilot taping kami, ang ingay-ingay niya sa set. Tapos nagmumura siya. Bungangang squatter siya.

"Hanggang sa hindi na ako makatiis sa ingay niya, sinigawan ko na siya na tumahimik. Aba, nagalit pa at wala raw akong karapatan na patahimikin siya. Sinabi ko sa kanya na isa pang mura na galing sa bunganga niyang burak, ipapasak ko ang bote ng mineral bottle sa ngala-ngala niya.

"Doon na siya nag-freak out at tine-threaten ko raw buhay niya. Baliw di ba? Paano ka naman makikipagtrabaho sa ganyang jologs? Please, hindi ko kailangan ang show kung siya ang kasama!"

Bersyon naman ni Aktres B ay niyabangan daw siya ni Aktres A noong magsalubong sila sa meeting. Nag-smile naman daw siya rito pero sinimangutan lang daw siya kaya nag-init ang ulo niya.

"Sino ba naman ang hindi maiimbiyerna? Positive ang vibes ko noong araw na iyon, bigla ba naman akong sinimangutan?” reklamo naman ni Aktres B.

“Kaya nasira na ang araw ko. Kaya lahat ng ideas niya na pang-'90s na talk show ay binabara ko. Jusko naman, 2022 na, ang concept niya pang-Lunch Date pa? Sino naman ang matutuwa di ba?”

Patuloy ni Aktres B: "Noong pilot taping namin, siya na lang ang hinahanap sa set. May blocking kasi kaming dalawa. E, usapan na after ten minutes labas na ng tent at magsu-shoot na. E, kailangan ng direktor namin ’yung natural light, ang problema sa isang ito, ayaw lumabas ng tent dahil mainit daw. So, sino ang hindi magmumura sa ginagawa niya?” pagda-justify ni Aktres B.

Dagdag ni Aktres B: "Ako, pinasok ko ito para magtrabaho ng matino. May mga anak ako na binubuhay. Kaya kailangan ko ito. Kaya nakapagmura ako dahil parang wala siyang care sa hirap ng ibang tao sa paligid niya. Basta after each take, papasok siya ng tent dahil mainit daw. E, hindi pa kami tapos, e. Tuhog dapat ’yung shoot para hindi sayang ’yung ilaw. Kaya sino ang hindi magmumura sa ugaling iyon?”

"Totoo na pinagbantaan niya ako,” pagpapa-totoo ni Aktres B. “Kaya mas lalo akong nagwala. Aba, siya pa ang may ganang manakot, e, siya itong cause of delay. Kaya I don't need to work with her. Bukod sa mayabang, ang dami pang peke sa katawan niya!"

Kaya no choice ang producer kundi tsugiin na ang dalawa sa project at kumuha ng ibang puwedeng magtrabaho na hindi aabot sa magpapatayan at may maisusugod sa ospital na duguan.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dating malungkot na aktres, mukang bibigay na sa panunuyo ng isang production staff member ng kanyang show

Dating jologs na young actress, pinangingilagan na ng mga kaibigan dahil naging pa-coño mula nang madikit sa Ingliserong aktor

Aktres, napapa-secretly “Eww!” kay pawising aktor

TV host, kinatatakutang kausapin ng mga kasamahan dahil sa deadly nitong hininga

Workaholic na male celebrity, ayaw tumigil magtrabaho kahit halatang may health issues ito

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.