Sexy newbie, iniwasan ng mga male co-stars sa set dahil pinagseselosan ng mga dyowa

Sexy newbie, iniwasan ng mga male co-stars sa set dahil pinagseselosan ng mga dyowa

Matinding baptism of fire pala ang naranasan ng isang female newbie star mula sa mga respective dyowas ng mga male co-stars niya sa isang kakatapos palang na i-shoot na pelikula.

 

Sexy at ma-appeal kasi ang newbie star kaya biglang nakaramdam ng insecurities sa kanya ang mga real-life dyowa ng kanyang co-stars. Biglang ang dami umanong parating na request ng mga dyowa na mga bawas-eksena ng mga boyfies nila with sexy newbie.

 

Todo bilin din daw ang mga dyowa ng mga bawal gawin ng boyfriend nila sa lock-in set gaya ng bawal tsikahin at lalong bawal nilang i-close si newbie.

 

Kaya pag cut daw ni Direk, balik na sa kani-kanilang lungga ang mga male stars bilang pagtalima sa mga bilin ng kanilang dyowawis. Walang naganap na bonding, in short.

 

At ramdam ni sexy newbie na may pag-iwas na nagaganap. Sinasakyan nalang umano nito dahil alam niyang powerless naman siya sa sitwasyon.

 

 

Pero hindi naman pala masisisi ang isa sa mga dyowa kung higpitan man ang boyfriend niya. Minsan na raw pala kasi itong natukso at panandaliang naligaw ng landas. May record na kumbaga. 

 

Ang isa naman ay parang nag-power trip lang. Ang latest, hindi nito pinayagan ang boyfriend na sumama sa isang pa-event ng pelikula kahit libre naman ang schedule ng  nito.

 

Kawawa naman nang slight si sexy newbie dahil napagtuunan siya ng misguided ire. Wala naman itong kasalanan kundi maging inherently delicious-looking.  

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.