Senior actor and newbie actress, nagka-developan sa lock-in taping

Senior actor and newbie actress, nagka-developan sa lock-in taping

Makalipas ang ilang taon, muli na nga bang mabubuksan o nabuksan na nang tuluyan ang puso ng isang award-winning senior actor?

Mahigit limang taon na rin namang single ang actor. At sa nakalipas na mga taon na ’yon, ang very private na senior actor lang ang nakakaalam kung may naka-relasyon ba siya.  Ang sigurado, may pagka-workaholic itong si senior actor na mukhang trabaho talaga ang pinagtuunan niya ng pansin.

Pero may kakaibang magic sa loob ng mga lock-in tapings. Gaya nalang ng posibleng pagkaka-develop-an ng mga single stars involved.

Madalas kasi, dalawang linggo hanggang sa isang buwan ang itinatagal ng isang lock-in taping. At sa loob ng panahong ‘yun, sila-sila lang talaga ang magkakasama sa isang location.

At eto na nga at naging kapansin-pansin nga raw, lalo na siyempre sa set, ang kakaibang closeness at sweetness ni senior actor at ng kanyang younger female co-star. 

First time nagkakila sina senior star at relatively newbie actress. Si actress ay may konek sa showbiz. In fact, may pagka-controversial ang family background nito. Pero mukang deadma about it si senior actor dahil ayon sa aming source, tila nahulog na ang loob nito sa maganda at seksing relatively newbie actress.

May pasilip din sa isang social media post si relatively newbie actress at do’n pa lang, ‘di-maikakaila kung gaano na sila ka-sweet at ka-cozy sa isa’t-isa. At tila deadma daw si senior actor kung may nakakapansin man sa kanila

Wala namang masama kung mauuwi sa totoohanan ang pagkaka-developan nila sa lock-in taping. Pareho naman silang single. 

If ever, ang kakaharapin lang nila ay ang mapanghusgang mata ng publiko na p’wedeng gawing issue ang age gap at status nila sa showbiz at sa buhay.

Pero base sa mga nakakakita, mukhang legit ang kaligayahan noong dalawa. Wala naman silang matatapakang tao kung sakali. Kaya, gow!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sexy newbie, iniwasan ng mga male co-stars sa set dahil pinagseselosan ng mga dyowa

Male singer, nagbantang mag-walk out nang matapakan ang mamahaling sapatos

Aktres na malas sa lovelife, pinangangambahang na-“wrong choice” na naman

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.