Rich girl ang solusyon ni kuya para sa naghihirap na kapatid

illustration: Kurl Gutierrez

illustration: Kurl Gutierrez

Sa kawalan ng raket dahil sa COVID-19 pandemic, kapit sa patalim na rin ang papasikat na sanang male model.
 
Humingi ng saklolo ang male model sa kanyang kapatid na naka-base na sa ibang bansa. Di na raw niya ma-maintain ang nakasanayan niyang lifestyle dahil mabibilang sa kanyang mga daliri sa kamay ang trabahong dumarating.
 
Hindi raw tulad last year na si male model na ang sumusuko dahil na o-overbook siya sa trabaho sa paggawa ng TV commercial, runway shows, at pagho-host ng corporate events. 
 
Pagpasok pa lang daw ng December ay fully-book na siya for three weeks. Pero ngayon, dadalawang raket pa lang ang nakukuha niya.
 
Kaya bago pa umabot na kailangan niyang magbenta ng mga gamit at mapalayas siya sa nirerentahang condo unit, nag-iisip na ito ng ibang option at ang kapatid niya ang makakatulong sa kanya.
 
Living in style ang kuya ni male model. Kung dati ay sagad-sagad din itong magtrabaho para mag-survive, ngayon ay para na siyang anak-mayaman na hindi na kailangan mag-work. 
 
Salamat sa karelasyon nito na parang may balon ng pera kaya sunod ang mga layaw nito na hindi kailangan magpakapagod.
 
Ang solusyon ni kuya para sa kapatid na male model ay ang ipakilala ito sa isang yayamaning socialite via video chat.  Si socialite ay friend ng socialite ding karelasyon niya. Mabilis naman daw nagkasundo si male model at ang yayamaning socialite.
 
Ngayon ay nagsasama na raw ang dalawa sa mala-palasyong bahay ng socialite sa ibang bansa.
 
Deadma na si male model kahit mas may edad sa kanya ang babae, ang importante ay maranasan niya ang buhay-pensyonado tulad ng kuya niya na, well, role model niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Diehard fans ng beteranang aktres, walang takot mahawa at makahawa ng COVID-19

Asking price ng aktres, ikinabaliw ng producer

Male TV host na praning sa Covid, nagde-deny na artista siya pag may nagpapa-selfie’ng fans

Pasaway na TV actress, tinabla ng production staff

Bagong retokeng aktres, nag-maselan sa face shield

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.