Prized Kapuso actress, selected as one of the judges ng Miss Universe 2021

Prized Kapuso actress, selected as one of the judges ng Miss Universe 2021

Last Saturday, November 27, ay tumulak na si Miss Univere Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez patungong Eilat, Israel, kung saan gaganapin ang grand coronation ng 70th  Miss Universe na magaganap on December 12, 2021. 

May dagdag pang exciting na balita diyan dahil isang sikat na Kapuso actress pala ang naimbitahang maging hurado sa nasabing prestigious international beauty pageant.

Kasalukuyan nang inaayos ang mga travel requirements ng aktres at balita namin ay may-send-off press conference para sa kanya.

Matagal nang hindi tumatanggap ng anumang TV or movie projects ang aktres dahil bukod sa tutok siya ngayon sa kanyang pamilya dahil maliliit pa ang anak; ay takot pa rin siya sa banda ng Covid-19.

However, pambihirang pagkakataon kasi ang maimbitahang hurado sa nasabing pageant dahil hindi basta-basta ang mga napipiling umupo sa judges panel.

In fact, sa 70 years ng Miss U ay pang-apat palang siya sa mga Filipinong taga-showbiz na naimbitahang maging hurado.

Pinaka-una si Kuh Ledesma during the 40th Miss Universe na ginanap sa Las Vegas, Nevada noong May 17, 1991. Sinundan siya ni Broadway star Lea Salonga noong September 12, 2011, sa 60th Miss Universe naman na idinaos sa São Paulo, Brazil. Pangatlo si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na isa sa mga judges ng 66th Miss Universe na muling ginanap sa Las Vegas, Nevada noong November 26, 2017.

Overall, pang-sampu palang siya sa mga Pinoys na napiling mag-judge sa Miss U.

Naging hurado na rin sa mga nakaraang Miss Universe sina dating UN General Assembly President Carlos P. Romulo during the Miss Universe 1974 na ginanap sa Manila, Philippines;  ang fashion designer Josie Cruz Natori para naman sa Miss Universe 1989 sa Cancun, Mexico; ang business tycoon na si Emilio Yap for Miss Universe 1994 held in Manila, Philippines; si Senator Manny Pacquiao noong Miss Universe 2014 sa Florida, USA; ang fashion designer na si Monique Lhuillier at architect Richelle Singson-Michael naman ay co-judges sa Miss Universe 2018 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Bukod sa angking ganda, napili ng Miss Universe Organization ang Kapuso actress bilang isa sa mga hurado ng 70th Miss Universe dahil sa kanyang mga accomplishments bilang aktres at ina. 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.