Potential leading lady ng bida, baka giyerahin ng GF na selosa

Artwork by Stephen Cruz

Artwork by Stephen Cruz

Pagsasamahin sa isang malaking telenovela ang dalawang primetime contract actors ng isang network at tila ang napipisil ng network executives na gawing female lead ng dalawa—na siyang pag-aagawan nila sa istorya—ay ang isa sa hindi nila umangat-angat na female stars.

Kung matutuloy ito ay kay swerteng maituturing ng female star dahil siguradong malaking exposure ito sa kanya. Pero hindi sang-ayon sa planong ito ang ilang showbiz insiders dahil baka daw si leading lady pa ang makahila sa dalawang aktor pababa.

May gusto silang i-suggest sa network na isa ring relative newcomer at galing sa artista search ng nasabing network, pero ang worry ng mga showbiz insiders ay baka ika-alburuto ito ng girlfriend ng isang sa mga bidang aktor.

Ang siste, minsan na pala kasing natipuhan ng isa sa mga actor si relative newcomer. At nakarating ang balitang iyon sa kanyang girlfriend na kilala pa naman sa pagiging giyarera pag dating sa pagka-selosa. Baka raw makatikim si newcomer ng bagsik ni GF na kataka-takang ang mga babae sinusugod at hindi ang dyowa niyang mahilig pa ring lumingon pa-kaliwa.