Plano ng TV Network sa isang toprater show, inalmahan ng bidang aktor

Illustration: VectorStock.com

Illustration: VectorStock.com

Last year pa pala ay aware pala ang isang female lead star ng isang hit teleserye sa plano ng kanyang TV network na pagpalitin ng time slot ang kanyang show at ng isa pang malakas ding teleserye ng istasyon ng pinagbibidahan naman ng isang prized male star. 

Naisip kasi ng mga TV execs na dahil pumapalo sa rating ang papatapos nang teleserye ng aktres ay mas makakatulong sa show ang pagbaba rito sa mas maagang time slot, kung saan naka-pwesto ang TV series ni prized actor. Tutal naman daw ay very established na ang show ni aktor at hindi naman matitigatig kung iibahin man ng oras. At tutal naman ay papatapos na ang teleserye ni aktres at gusto lang ng network na mas pumalo pa ito sa rating bago mag-finale.

Pero matigas daw na nag-protesta si aktor. At dahil siya ang kasalukuyang namamayagpag sa network, nakuha nito ang gusto from the network bosses. Takot kasi ang mga network bosses na mag-tantrums si prized actor.

Deadma lang naman daw si lead actress na very secured sa kanyang sarili.

“S’yempre, siya ang masusunod [prized actor],” makahulugang dialogue daw ni lead actress. “Alam mo naman.” 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bonggang project ni male star, hindi na matutuloy dahil sa pangne-nega ng dyowa

Powerful pulitiko, natatabaan sa aktres na nili-link sa kanya

“Please tigok me, let me go...”

Female celeb, naisahan ng dyowa?

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.