Newbie actor, kinakanlong sa pagpapaka-K-Pop ang berdeng dugo

"Jusko, uso pa pala ang nagpapanggap na lalake ka. I'm sure kapag hiniwa ko ang pulso niya, berdeng dugo ang lalabas sa kanya at ang DNA niya ay Miss Universe ang nakalagay!”

"Jusko, uso pa pala ang nagpapanggap na lalake ka. I'm sure kapag hiniwa ko ang pulso niya, berdeng dugo ang lalabas sa kanya at ang DNA niya ay Miss Universe ang nakalagay!”

Ang lakas talaga nang pang-amoy ng aming source dahil hindi nakalagpas sa kanya ang malansang amoy ng baguhang aktor na ito na nagpapanggap na berdaderong lalake.

"Jusko, uso pa pala ang nagpapanggap na lalake ka. I'm sure kapag hiniwa ko ang pulso niya, berdeng dugo ang lalabas sa kanya at ang DNA niya ay Miss Universe ang nakalagay!

"Naku ewan ko ba kung bakit nagpapanggap pa. Mahirap ang magpanggap na lalake huh! Hindi mo alam na minsan lalabas ang mga pagpilantik ng mga daliri mo o biglang magpa-falsetto ang boses mo. Na nangyari na nga sa baguhang aktor na ito ng ilang beses sa pag-host niya ng ilang events."

Noong una raw ay inakala ng aming source na nagpapaka-K-Pop lang ang baguhang aktor. Mula kasi sa buhok at pananamit ay namumuro ito sa K-Pop. Magandang camouflage nga ang sabihing K-Pop ka para hindi mahalata na miyembro ka pala ng sisterhood.

"’Yung mga K-Pop kasi very colorful di ba? Tsaka parang unisex ang mga sinusuot nila. Nauso lang naman ang word na unisex para sa mga lalakeng gustong magsuot ng damit ng babae, 'di ba? Ngayon kasi ang tawag na diyan ay genderless, non-binary ek-ek. Naku ang bottomline pa rin diyan ay kabaklaan lang. Pinasosyal pa nila.

"Kaya itong si
new actor, napansin ng production staff ng kinabibilangan niyang teleserye na ang mga dalang damit ay puro makukulay. Lahat ng kulay ng rainbow ay nasa wardrobe niya. Tapos may dala raw itong sariling make-up kit at siya ang nagme-make-up sa sarili niya. 

"Wala naman sigurong masama kung magdala ka ng sariling make-up di ba? Baka sensitive ang skin niya kaya may baon siya. Nalokah lang ang isang aktres na nakasabay niya sa dressing room na marunong mag-blending ang damuho. Hitsurang sasali siya sa RuPaul's Drag Race kung mag-contour ng mukha niya.

"Doon daw kasi lalabas ang effect ng pagiging K-Pop niya. Oo nga naman, ang mga K-Pop artists ay nagme-make-up din sa sarili. So, lusot na naman siya sa kabaklaan niya! Galing niya gumawa ng excuse di ba?" malakas na tawa ng source namin.

Hihintayin na lang daw ng source namin kung kelan mapagod si new actor sa pagtatago niya sa make-up at maglalantad din daw balang-araw.

"Ilang mga aktor na ba ang naglantad na after so many years. Huwag na natin silang banggitin at masaya na sila sa pag-out nila. Kaya wait na lang tayo kung kelan ready na ang aktor na ito na magladlad. Bibigyan ko pa siya ng korona with matching cape and scepter!"

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Single mom-actress, pinag-iisipan nang magtrabaho abroad; kapos na ang kita sa pag-a-artista

Dalawang aktres, nagbardahan; muntik magkapisikalan

Nag-resurface na social media account na aktor, nawala ulit nang may mangingil ng utang sa kanya

Grand entrance gimmick ng isang aktor sa isang event, napurnada

Aktres, nagpalobo ng asking price; G na G o ayaw magtrabaho?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.