Maselang star, pinalinis ang set bago mag-shooting

Illustration: Eric Flaminiano

Illustration: Eric Flaminiano

Allergic sa alikabok ang isang female star na nag-comeback kamakailan lang sa big screen at all-out ang naging commitment niya sa pelikulang kinabilangan niya. Kahit pa di lang isang beses halos ma-compromise ang health niya para sa pelikulang nabanggit, ay go lang nang go ang drama niya.

 

Ang hindi lang niya kinaya ay no’ng mag-shoot na sila sa isang unused old house na ni hindi man lang daw nakuhang ipalinis ng film producer bago ipagamit sa kanilang mga artista. 

 

Hindi naman dahil sa nag-iinarte siya, kundi dahil mahina nga baga niya sa alikabok, kaya gusto niya sanang malinis naman ang set na dadatnan niya. Pero nang maramdaman ni female star na hindi magshe-shed ng extra budget si producer para ipalinis ang set, siya na ang nagkusang mag-hire ng mga tao para linisan ang bahay na ilang araw din niyang gagamitin bilang set.

 

“Nakakaloka talaga!” say ng female star sa aming PikaPika source. “Kesa naman ma-pack up ang shoot dahil nag-allergy ako. Ang dami ko pang ibang commitments. Ay, pay nalang ako. Tawag tayo ng cleaners! Tapos.”