Minsan, sa umpukan ng mga artistang Marites (yes, nagma-Marites din sila), naging tampulan ng k'wentuhan nila ang kasamahang aktor at ang pagiging matinik pa rin umano nito sa chicks kahit pamilyado at nagkaka-edad na.
Lapitin pa rin daw talaga ng mga kababaihan ang aktor na bukod sa guwapo ay maganda ang built.
Ang ikinaa-aliw ng mga Marites ay nabisto nilang lumevel-up na pala ng diskarte si actor para maka-bingwit ng mga magaganda at mas bata sa kanyang babae. Sa makabagong panahon ng technology ay nagbago na rin pala ang style ng nasabing actor. Dinadaan nito sa social media ang pag-tsika sa mga chikas.
Pag taping break, libangan pala ni aktor na mag-browse ng mga magagandang babae sa social media at sa tuwing may matitipuhan daw ito ay agad na nagpapadala ng friend request.
At dahil sikat pa rin namang masasabi at may taglay ngang kaguwapuhan, ay agad namang ina-accept ng mga babae ang kanyang friend request.
Dito na raw magsisimulang paigihin pa ng ating bida ang kanyang pagdiskarte.
Sa una raw ay chat-chat muna para magkahulihan ng loob hanggang sa mabola na ng actor ang babae. Kasama sa boladas nito na imbitahin ang babae na dalawin siya sa set ng kanyang location taping.
Akala ng aktor ay walang mga Marites sa mga location shoots. Akala niya, limited sa Metro Manila ang mga Marties. Ang hindi niya alam, siya ang paboritong pulutan ng mismong mga kasama niya. Paano naman kasi, hindi rin maingat si aktor. Nahuhuli siya sa set na nagpapasok ng mas bata sa kanyang babae sa kanyang hotel room.
Pero sa kabilang banda, kinabibiliban din ng mga Marites ang matinding magnet pa rin sa babae ni aktor. Ang mga kapwa aktor naman nito ay nakukuhang ma-inggit sa kanya dahil sa lakas ng appeal—at ng loob. Bata, matanda; may asawa o wala at kahit kasamahan pa sa showbiz, kaya daw kasing ibato-balani ng ating bida.
Aba, matindi nga.
YOU MAY ALSO LIKE:
Aktres na napasarap ang kain during a vacation, nawarakan ng costume sa taping
Singer-actor, chickboy by day, male afam hunter by night?
Newbie actor na nagparetoke ng ilong, hindi na maka-arte ng tama sa sobrang pagka-conscious
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber