Lady singer na adik sa retoke, nakalimutang may show kaya nagpa-retoke na naman

Lady singer na adik sa retoke, nakalimutang may show kaya nagpa-retoke na naman

Worried ang mga kamag-anak at mga kaibigan ng female singer na ito dahil sa mga pinag-gagagawa nito sa kanyang sarili.

 

Naging obsessed na raw itong pagandahin parati ang mukha at katawan niya. Kapag may nakita itong hindi maganda sa face or body niya, magpapa-schedule ito bigla sa kanyang suking beauty doctor.

 

Na-develop na nga sa singer ang sakit na kung tawagin ay Body Dysmorphic Disorder na isang “mental health disorder in which you can't stop thinking about one or more perceived defects or flaws in your appearance — a flaw that appears minor or can't be seen by others. But you may feel so embarrassed, ashamed, and anxious that you may avoid many social situations.”

 

Supportive ang family and friends ni singer dahil noon pa raw ito nangarap na gumanda. Ngayon ay may pang-gastos siya at may sponsor pa, kaya naman kaya na niyang mag-transform mula sa pagiging ugly duckling niya noon.

 

Ang nagiging problema ay naapektuhan ang ilang trabaho niya kapag nagpapa-retoke ito.

 

Tulad na lang ng isang malaking event two years ago. Hindi siya nakadalo dahil kasalukuyang namamaga pa ang mga pisngi niya dahil pina-enhance niya ang jawline niya at nilagyan ng fillers ang mga pisngi niya.

 

May isang show naman abroad na di rin s’ya nakasama dahil naka-schedule siyang magpa-deepset ng kanyang mga mata.

 

Ngayon ay may malaking raket si singer na nai-schedule sa kanya two months ago pa. Ito ang first big paycheck niya after ang ilang buwang pagka-tengga dahil sa pandemic kung kailan  kumita lang siya nang pakonti-konti sa mga virtual concerts.

 

Pero tila nakalimutan ni singer ang raket niyang ito at nagpa-schedule na naman ito ng panibagong pagpapa-opera sa mukha niya one week bago ang naturang raket.

 

Kaya taranta ang singer dahil nag-downpayment na sa kanya ’yung producer. Kaya kahit na namamaga, pasaan at obvious pa ang mga tahi sa mukha niya, darating ang singer dahil ayaw niyang mademanda siya.

 

Ire-request na lang daw niya na huwag siyang tutukan ng spotlight para hindi makita ang mga bakas ng pagpapa-opera niya sa mukha.

YOU MAY ALSO LIKE:

TV host na pa-asa sa biyaya, di na siniseryoso ng staff

Newbie singer, magpapa-retoke muna bago i-full blast ang launching

Prepaid talent, tinatamad “magbayad”

Tatlong male young stars, paboritong padalhan ng shirtless selfie ng isang male singer

User-friendly na, fake sosyalera pa

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.