Kaskaserong bagets, iniwan na ng GF

Kaskaserong bagets, iniwan na ng GF

Hindi lang pala ang huling napabalitang pagkakabangga ng isang young actor ang naging kaso nito na may kinalaman sa paggamit ng kotse. 

May isa pa palang insidente na nalusutan na din nito. Talaga raw palang may kagaspangan ang ugali nito pag nasa likod na ng manibela. The Fast and the Furious ang peg. Kaskasero daw talaga. At tila wala daw itong remorse tuwing nasasangkot sa mga ganoong insidente.

READ: Sexy young actress, pinagdududahang tibash

Aware ang management ni bagets sa pagka-walang disiplina na ’yon ng young actor kaso ay hindi raw marunong makinig ang bagets kahit parating pinaaalalahanan.

Ang pagka-kaskasero rin daw nito ang lagi nilang pinag-aawayan ng non-showbiz girlfriend niya.

Pero tila last straw na ang huling banggaan na kinasangkutan ni young actor para kay non-showbiz girl kaya umeskapo na siya sa relasyon nila. 

Hindi siguro pinangarap ni girl na isang araw ay silang dalawa na ang ma-aksidente o kaya naman ay ang mabiyuda siya agad hindi pa man sila nagkakatuluyan.

It’s a good thing rin na hindi pa napupuruhan si bagets. Wala pa ring siyang nasasalanta nang matindi. Kaya sana naman, bago umabot sa ganoon ay mag-isip-isip na ang bagets dahil p’wedeng hindi lang dyowa ang mawala sa kanya pag nagkataon.

YOU MAY ALSO LIKE:

Aktres, kumpirmadong may attitude problem

Young actress, in love sa isang hunk at hindi sa ka-loveteam

Aktor, naipit between love and career

Maselang star, pinalinis ang set bago mag-shooting

Potential leading lady ng bida, baka giyerahin ng GF na selosa

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.