Hingaling aktres, ayaw pa ring pa-awat sa yosi

Illustration: VectorStock.com

Illustration: VectorStock.com

May COPD (chronic obstructive pulmonary disease) na pala ang isang aging actress at madalas na itong makaranas ng shortness of breath.

Pero ang ikinaloloka ng mga co-stars niya at production staff sa isang ipapalabas palang na soap opera, ayaw pa rin daw magpa-awat ng aktres sa pagyo-yosi.

Sa isang taping daw kamakailan na ginanap sa isang nearby province, kinailangan daw ni actress na lumakad from her tent to the actual venue ng kukuhanang eksena, which is sa gitna ng isang taniman.

Hingal na hingal daw si aktres pagdating sa venue at uubo-ubo pa. Nagpa-time out muna daw ito sa director para maka-recover. Pinagbigyan s’yempre siya. Pero naloka ang lahat nang tawagin nito ang isang assistant at inutusang kunin ang sigarilyo niya.

Hindi na nga maka-hinga, nag-yosi pa?

Feeling ni actress, mas gumiginhawa ang pakiramdam niya pag nagyo-yosi. Kaso, ito ang numero unong bawal sa kaso niya. Wala namang maka-awat dahil baka magtampong-pururot. Feeling lang ng lahat ay napaka-irresponsable ni aktres, hindi lang sa sarili niya kundi lalo sa lahat ng p’wede niyang ma-apektuhan sakaling sumpungin siya nang matindi ng sakit niya sa kalagitnaan ng taping.

Oh, well.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bonggang project ni male star, hindi na matutuloy dahil sa pangne-nega ng dyowa

Powerful pulitiko, natatabaan sa aktres na nili-link sa kanya

“Please tigok me, let me go...”

Female celeb, naisahan ng dyowa?

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.