Diehard fans ng beteranang aktres, walang takot mahawa at makahawa ng COVID-19

illustration: Kurl Gutierrez

illustration: Kurl Gutierrez

Sa isang taping location kunsaan naka-lock-in ang mga artistang kasama sa isang teleserye, sumugod ang isang grupo ng fans noong malaman nilang nasa naturang location ang iniidolo nilang veteran actress.

Sa papasok pa lang ng taping location ay pinagsabihan na ang mga die-hard fans na bawal silang manood ng taping dahil may sinusunod silang safety and health protocols. Bukod sa ilan lang nga ang tao na p’wede sa location.

Makukulit ang mga fans at nais lang daw nilang makita ang kanilang idolo na kalahating taon nilang hindi napanood sa TV. Pero di pinayagan ng production staff na lumabas ng kanyang kuwarto ang veteran actress dahil nasa rules nila na kapag walang eksena, sa kuwarto nila didiretso dapat ang mga artista.

Pinapaalahanan din ng staff ang mga makukulit na fans na huwag magdikit-dikit at magsuot ng face mask at face shield. Hindi raw sila mananagot kung may mag-positive sa kanila dahil pinagsabihan na silang bawal sila sa location.

Para mapagbigyan lang at mapauwi ang mga fans, nag-video call ang veteran actress sa tablet ng isang production assistant at nakiusap na iharap siya sa mga fans para pakiusapan niyang umuwi na ang ito.

Nagsigawan at may mga umiyak pa umanong mga fans nang makita nila ang video call ng idolo nila. 

Nag-sorry ito sa kanila na hindi sila mahaharap dahil sumusunod sila sa very strict rules ng taping. Ayaw din daw niyang magkasakit ang kanyang fans kaya pinakiusapan na niyang umuwi sila. 

Pagkatapos ng video call ay nakuntento na ang mga fans at umuwi na sila bilang pagsunod sa pakiusap ng kanilang idolo.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Asking price ng aktres, ikinabaliw ng producer

VETERAN ACTRESS, BAD EXAMPLE

Male TV host na praning sa Covid, nagde-deny na artista siya pag may nagpapa-selfie’ng fans

Pasaway na TV actress, tinabla ng production staff

Bagong retokeng aktres, nag-maselan sa face shield

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.