Di kasikatang aktor, sinubukang ipuslit sa no-swab, no entry na studio ang tatlong alalay na lalaki

Hindi umubra ang drama ng aktor na magsusumbong sa kakilala para papasukin ang mga kasama niya sa studio kahit hindi naman na-swab ang mga ito. “Naku nag-namedrop pa ng kung sinu-sino na kilala raw niya at magreklamo siya,” tili ng aming source. “Kaso ’yun ang rules ng studio kaya wala ring nangyari sa kunwaring may tinatawagan siya. Ang tanong ko lang, bakit tatlo ang alalay niyang lalake? As if naman pagkakaguluhan siya. Palaos na siya, ha!” talak pa ng source.

Art: Niña Cabatcha

Hindi umubra ang drama ng aktor na magsusumbong sa kakilala para papasukin ang mga kasama niya sa studio kahit hindi naman na-swab ang mga ito. “Naku nag-namedrop pa ng kung sinu-sino na kilala raw niya at magreklamo siya,” tili ng aming source. “Kaso ’yun ang rules ng studio kaya wala ring nangyari sa kunwaring may tinatawagan siya. Ang tanong ko lang, bakit tatlo ang alalay niyang lalake? As if naman pagkakaguluhan siya. Palaos na siya, ha!” talak pa ng source.

Nakakaloka ang ginawa ng isang aktor nang mag-guest ito sa isang show. May bitbit pa raw itong tatlong lalake na parang mga bodyguards niya.

Naimbiyerna tuloy ang executive producer (EP) ng show dahil hindi raw nag-abiso ang aktor na may kasama itong tatlong tao dahil di sila puwedeng pumasok ng studio dahil hindi sila dumaan sa swab test.

Mahigpit pa rin kasi ang karamihan sa mga film and TV productions sa mga health protocols dahil mas malaki pa rin ang mawawala sa kanila pag nagkahawahan sa set. Kaya’t kahit hindi na ganoon ka-laganap ang Covid-19 ay maingat pa rin ang mga studios.

Kuwento ng aming source: “Protocol sa lahat ng show na tine-tape na i-swab ang mga guests. Si aktor, na-swab three days before ng taping, pero ’yung mga kasama niya ay hinde. Kaya bawal silang pumasok sa building.”

At may gana pa raw magreklamo ang aktor dahil kailangan daw niya ang mga kasama niya dahil sila ang may dala ng mga gamit niya at para may mautusan siya kung may kailangan siya.

Naku nag-namedrop pa ng kung sinu-sino na kilala raw niya at magreklamo siya,” tili ng aming source.

“Kaso ’yun ang rules ng studio kaya wala ring nangyari sa kunwaring may tinatawagan siya. Ang tanong ko lang, bakit tatlo ang alalay niyang lalake? As if naman pagkakaguluhan siya. Palaos na siya, ha!” talak pa ng source.

Kaya no choice ang aktor na iwan niya sa labas ng studio ang tatlong kasama at nag-uusap na lang sila sa cellphone kapag may kailangan siya.

Hirit pa ng source: “O di ba? Puwede naman pala na gano’n? Eklayero rin itong si aktor. Paala-alalay pa s’ya, pampasikip lang sa dressing room ang mga dala n’yang goons ’noh!

“’Tsaka feeling ko ay gusto lang niyang makalibre sa pagpapakain sa tatlong kasama niya. Naku gumastos s’ya sa pagkain ng mga alalay niya at huwag niyang i-asa sa catering ng taping.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aktres, nabuntis ng non-showbiz guy; ka-loveteam, nganga

Epal actor na mahilig magpa-rewrite ng script at magpa-retake ng shots, nakatikim ng bonggang sopla mula sa kasamang drama actress

Show ng dalawang aktres, na-cancel matapos nilang magtalakan sa set

Dating malungkot na aktres, mukang bibigay na sa panunuyo ng isang production staff member ng kanyang show

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.