Dating malungkot na aktres, mukang bibigay na sa panunuyo ng isang production staff member ng kanyang show

Tapos na ang taping ni aktres ng kanyang show, pero balitang tuloy pa rin ang communication nila ng naka-close niyang staff member. Pinapa-deliver na lang daw ng staff member ang paboritong kape at snack ni aktres sa kanilang bahay. Obvious na iba daw ang aura aktres kapag nagkakausap silang dalawa kaya kung ma-in love nga siya nang tuluyan, sana raw ay naging masaya ang mga tao sa paligid niya para kay aktres at respetuhin nalang ang choice niya.

Tapos na ang taping ni aktres ng kanyang show, pero balitang tuloy pa rin ang communication nila ng naka-close niyang staff member. Pinapa-deliver na lang daw ng staff member ang paboritong kape at snack ni aktres sa kanilang bahay. Obvious na iba daw ang aura aktres kapag nagkakausap silang dalawa kaya kung ma-in love nga siya nang tuluyan, sana raw ay naging masaya ang mga tao sa paligid niya para kay aktres at respetuhin nalang ang choice niya.

Mukhang nakahanap na ng bagong happiness niya ang dating malungkot na aktres na ito. 

Mula sa aming source, parang bibigay na ang aktres sa panunuyo ng isang production staff ng kinabibilangan niyang show.

Tuwing may taping daw si aktres, meron itong nakahandang mainit na kape at ang paborito nitong snack sa kanyang dressing room. Courtesy ito ng staff na matagal na raw may crush kay aktres.

Marami nga ang nakapansin na nag-iba bigla ang aura ng aktres tuwing magre-report ito sa taping. Kung noon ay kahit na nakangiti si aktres, ramdam nila na malungkot ito dahil nakikita nila ito sa mga mata niya. Ngayon daw ay parang may ibang glow si aktres at may ningning na ang kanyang mga mata tuwing ngumingiti ito.

Dahil sa natatanggap na atensyon ni aktres, hinahanap-hanap na raw niya palagi ang may crush sa kanyang staff. Kapag breaktime daw, ang staff member na ito ang gustong makakuwentuhan ni aktres.

Sey ng aming source: "Naku, alagang-alaga ang bruha ng staff member na 'yan. Kaya si aktres, kinikilig kapag nasa paligid niya ang new-found inspiration niya. In fairness, guwapo at mabait ang staff member. Malaki ang naging tulong nito na muling makaramdam ng happiness si aktres.

"Hindi naman ako magtataka kung bakit sobrang naa-appreciate ni aktres ang binibigay na atensyon sa kanya. Hindi nga ba naging magulo ang buhay niya sa dati niyang karelasyon? Siguro naghahanap na siya ng ibang adventure sa buhay niya. Kaya mukhang type niyang pumatol. Bakit naman hindi, 'di ba? Kung ang ex-partner niya mabilis nakahanap, bakit naman hindi siya puwedeng lumigaya, ’di ba?"

Tapos na ang taping ni aktres ng kanyang show, pero balitang tuloy pa rin ang communication nila ng naka-close niyang staff member. Pinapa-deliver na lang daw ng staff member ang paboritong kape at snack ni aktres sa kanilang bahay.

Obvious na iba daw ang aura aktres kapag nagkakausap silang dalawa kaya kung ma-in love nga siya nang tuluyan, sana raw ay naging masaya ang mga tao sa paligid niya para kay aktres at respetuhin nalang ang choice niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dating jologs na young actress, pinangingilagan na ng mga kaibigan dahil naging pa-coño mula nang madikit sa Ingliserong aktor

Aktres, napapa-secretly “Eww!” kay pawising aktor

TV host, kinatatakutang kausapin ng mga kasamahan dahil sa deadly nitong hininga

Workaholic na male celebrity, ayaw tumigil magtrabaho kahit halatang may health issues ito

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.