Dating jologs na young actress, pinangingilagan na ng mga kaibigan dahil naging pa-coño mula nang madikit sa Ingliserong aktor

"Naiilang na kaming kasama siya. Kasi Ingles siya nang Ingles. Wala namang masama roon, kaso kami ito, e. Kami ’yung mga friends niya na nakasama niya simula pa noong mangarap siya na maging artista.  “Kung gusto niyang maging barkada pa kami, maging totoo siya sa sarili niya. Huwag niya kaming idaan sa mga natutunan niyang English words mula sa kinababaliwan niyang aktor.  “Miss na namin na makasama siya, kaso kung iibahin niya kung sino siya dahil sa career niya ngayon, mabuti na ngang lumayo na kami sa kanya. Allergic kami sa mga taong nagkukunwari."

"Naiilang na kaming kasama siya. Kasi Ingles siya nang Ingles. Wala namang masama roon, kaso kami ito, e. Kami ’yung mga friends niya na nakasama niya simula pa noong mangarap siya na maging artista. “Kung gusto niyang maging barkada pa kami, maging totoo siya sa sarili niya. Huwag niya kaming idaan sa mga natutunan niyang English words mula sa kinababaliwan niyang aktor. “Miss na namin na makasama siya, kaso kung iibahin niya kung sino siya dahil sa career niya ngayon, mabuti na ngang lumayo na kami sa kanya. Allergic kami sa mga taong nagkukunwari."

Parang sinasapian daw ng kung anong espiritu ang isang young actress tuwing kasama nito ang isang cute na young actor.

Ayon sa ilang nakakakilala sa young actress, nag-iiba raw bigla ang personality nito kapag katabi na nito ang young actor. Bigla raw nagkaroon ng accent ang kanyang pag-Ingles at bigla umanong nagle-level up ang pagpapa-sweet—dalawang bagay na hindi raw kabilang sa tunay na pagkatao nito.

“Kilala ko ang babaeng yan mula ulo hanggang paa. Hindi siya ganyan, e,” obserba ng isang malapit sa aktres na naaalibadbaran sa nito ngayon.

“’Yung bigla na lang nagpapaka-prim and proper. Jologs 'yan in real life. Kung umupo nga yan nakabukaka at paborito niyang kainin ay ’yung maanghang na pusit na nabibili sa tindihan at chicharon na may laman na sinasawsaw niya sa suka na may sili. Ewan ko ba kung bakit bigla siyang nabago ng kung sino siya dahil lang sa lalakeng iyon. Parang ang fake na niya ngayon. Nakaka-ilang na siyang kasama."

Chika naman ng isa pang malapit sa aktres: “’Yung nagiging kilos niya ngayon, hindi na siya ’yung dating nakilala ko. Magkababayan kami niyan. Kaya tuwing magkasama kami, kung ano ang lenguahe namin sa probinsya, gano'n kami magsalita kahit na may ibang tao sa paligid. Ngayon, kung maka-Ingles akala mo pinanganak sa Amerika. At may kung anong accent pa bilang bonus? Kung kanino niya natutunan ’yan, hindi ko feel kasi kabawasan iyon sa tunay na pagkatao niya.”

Dahil sa bagong pagkatao ni young actress, na-alienate na niya ang dati niyang mga kaibigan at sila na ang kusang lumalayo rito.

Hirit ng isa pang friend ng aktres: "Naiilang na kaming kasama siya. Kasi Ingles siya nang Ingles. Wala namang masama roon, kaso kami ito, e. Kami ’yung mga friends niya na nakasama niya simula pa noong mangarap siya na maging artista.

“Kung gusto niyang maging barkada pa kami, maging totoo siya sa sarili niya. Huwag niya kaming idaan sa mga natutunan niyang English words mula sa kinababaliwan niyang aktor. Miss na namin na makasama siya, kaso kung iibahin niya kung sino siya dahil sa career niya ngayon, mabuti na ngang lumayo na kami sa kanya. Allergic kami sa mga taong nagkukunwari."

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aktres, napapa-secretly “Eww!” kay pawising aktor

TV host, kinatatakutang kausapin ng mga kasamahan dahil sa deadly nitong hininga

Workaholic na male celebrity, ayaw tumigil magtrabaho kahit halatang may health issues ito

Hunk actor, kalat na ang pagiging premature ejaculator at makasarili sa kama

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.