Dalawang aktor na “Babe” ang tawagan, na-barangay dahil sa pagpapa-party

Dalawang aktor na “Babe” ang tawagan, na-barangay dahil sa pagpapa-party

Muntik na palang makulong ang dalawang aktor na ito dahil sa paglabag sa safety protocols.

Dahil sa napasok nilang situwasyon ay nabuking tuloy na may “something going on” sa kanilang dalawa.

Produkto ng mga TV contests ang dalawang aktor—’yung isa ay contest ng papogian at ’yung isa ay contest sa sayawan.

Magkasamang nagtayo ng isang grill restaurant ang dalawa. At noong opening, lumagpas ang bilang ng mga imbitado kahit alam nilang bawal pa ang big gathering. Dahil dito, naalarma ang ilang residente na nakatira malapit sa nagbukas na resto.

Sey ng aming source: “Hindi na sila natuto. May pandemya pa, nagpapa-party sila. Namuno d’yan ay ’yung dalawang aktor na feeling ko may relasyon sila. Kasi di raw mahiwalay sa isa’t isa. Wala silang social distancing!”

Nung dumating ang mga tanod ng barangay para i-disburse ang crowd, hinanap kung sino ang nagpasimuno ng pagtipon. Tinuro ng mga bisita ang dalawang aktor na nag-invite sa kanila.

Sumama naman daw nang maayos ang dalawang aktor sa barangay hall para magpaliwanag. 

Chika ng source: “Kinakabahan ’yung isang aktor dahil baka makulong daw sila. Sey naman nu’ng isa, ‘Babe, don’t worry. Ayusin natin ito.’ Di ba? Babe ang tawagan nila, e, ang lalaki ng mga katawan nila! So, confirmed na may something sa kanila.”

Nakiusap daw ang mga aktor na huwag na silang ikulong. Magbayad na lang daw sila ng fine sa nangyari. 

Ang naging desisyon ng barangay ay walang kulong, pero may community service na gagawin ang dalawang aktor. Bibigyan din sila ng swab test pati na mga bisita nila. Mag-quarantine sila for 14 days at ang restaurant ay isasara for 30 days.

Sey ng source: “Walang choice ang dalawang aktor kundi pumayag kesa naman makulong pa sila. Ang kikinis pa naman nila. Gagalisin silang magdyowa sa kulungan dahil sa pagiging pasaway nila.” 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Busy sa raket na aktres, binantaang sasaksakin ng selosong mister

Comedian-TV host, may kakaibang amoy?

TV personality, tulala sa puyat at sa dami ng utang

Newbie actress, nabistong nagpapasok ng boyfriend sa lock-in taping; character sa show, “pinapa-patay na” ng mga bossing

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.