Busy sa raket na aktres, binantaang sasaksakin ng selosong mister

Busy sa raket na aktres, binantaang sasaksakin ng selosong mister

Mukhang malapit nang hiwalayan ng isang aktres ang kanyang mister dahil natatakot umano ito para sa buhay nila ng kanyang mga anak.

Hindi na raw masakyan ng aktres ang pagbabago ng ugali ng kanyang mister. Araw-araw daw ay nag-iiba ito ng mood at umabot na raw ito sa muntik na umano nitong mapatay ang komedyana.

Kuwento ng reliable source, late daw nang dumating sa taping ng isang celebrity talk show ang aktres for her guesting. Mukha raw itong natataranta at panay ang sorry sa staff ng show. Ang paliwanag nito ay nagkaroon lang daw ng emergency sa bahay nila kaya medyo haggard siya.

Napag-alaman ng source na nanggaling pala si actress sa barangay hall ng subdivision nila para i-report ng domestic violence ang kanyang mister.

"Kaya pala parang namumugto ang mga mata niya. Galing pala siya sa kakaiyak sa barangay hall. Muntik na raw siyang mapatay ng mister niya. 

“Nalaman na lang namin ang nangyari sa kanya noong tapos na ang taping. Kasi parang wala naman siyang problema noong humarap siya sa kamera. Her usual jolly personality. Pero kapag di nakatutok ang kamera sa kanya, makikita mo ’yung lungkot sa mga mata niya. Doon namin na-feel na may problemang pinagdaraanan ito."

Ang nangyari daw pala, nagsimulang maging soloso ang mister ni aktres nang maging busy lately sa work si aktres. Lalo na raw noong mag-lock-in taping ito ng isang buwan. Panay umano ang tawag ng mister nito at pinagmumura siya. 

Nagpapaliwanag naman daw si aktres na kailangan niyang magtrabaho dahil malaki ang nawala sa kanila financially noong magkaroon ng pandemic. Medyo tumagilid ang business ng mister niya sa ibang bansa kaya naapektuhan sila financially.

"Tuwing magpapaalam daw siya na may trabaho kinabukasan, panay ang usisa ng mister niya. Bakit daw kailangan siyang parating wala sa bahay? Paulit-ulit daw na niyang ini-explain na marami silang kailangan bayaran at hindi sapat ang kinikita ngayon ng negosyo nila. 

“Para daw hindi mahirapan ang mister, hinahatid niya ang mga anak nila sa kanilang lola't lola. Susunduin na lang daw niya ang mga ito kapag tapos na ang trabaho niya," sey ng source.

Umabot daw sa pagsumbong sa barangay ang aktres nang muntik na siyang mapatay ng mister niya kamakailan.

Kuwento ng source: "Nagtalo raw sila ulit sa pag-guest ni aktres sa talk show. Nasabi na raw niya ito sa mister kinagabihan. Noong umaga raw ay nagwawala raw sa galit ang mister niya at paulit-ulit ang tanong kung bakit ito aalis sa bahay. 

“Hindi na raw siya sinasagot ni aktres dahil lalala pa raw ang away nila. Noong pinasok na niya sa sasakyan ang mga bata para ihatid sa parents niya, bumalik siya sa loob ng bahay para magpaalam kay mister. 

“Nagulat na lang siya nang makita ang mister na may hawak na kitchen knife at bantang sasaksakin siya nito. Tumakbo agad siya agad sa sasakyan at dumiretso sa barangay para i-report ang nagwawalang mister."

Ngayon daw ay sa parents niya umuuwi ang aktres kasama ng mga anak niya. Hindi na raw niya matiis ang nababaliw niyang mister at inaalala niya ang safety ng mga anak nila. 

Nakikipag-usap na raw ngayon si aktres sa mga taong puwedeng makatulong sa mister niyang tila tinatakasan na ng katinuan.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Comedian-TV host, may kakaibang amoy?

TV personality, tulala sa puyat at sa dami ng utang

Newbie actress, nabistong nagpapasok ng boyfriend sa lock-in taping; character sa show, “pinapa-patay na” ng mga bossing

Senior actor and newbie actress, nagka-developan sa lock-in taping

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.