Matapos ang maingay na pang-aaway ng isang beteranong male director sa isang poging newbie actor na pinaratangan niyang banong umarte at bloated ang ego ay tila na-pacify na si Direk at tila bumabalik ang amor niya sa itinakwil na poging newbie.
Mahahabang panlalalit na soc-med posts ang napakawalan ni beteranong Direk laban kay poging newbie during the time na ginagawa nila ang isang supposedly ay makabuluhang pelikula. Hindi lang ang pag-arte ni poging newbie ang nilait-lait noon ni beteranong direk kundi maging ang ibang trabaho niya sa ibang larangan.
Minsanan lang sumagot si poging newbie kahit panay na panay ang banat sa kanya ni beteranong Direk noon.
Sabagay, kilala si beteranong Direk sa pagiging temperamental at sumpungin. Nagtataka lang ang mga taga-showbiz noon kung bakit lumalim nang gano’n ang galit nito kay poging newbie. Ang baging bulong-bulungan, na-lovestruck si Direk kay poging newbie pero deadma ito sa mga paramdam ni Direk.
Pero makalipas ang ilang buwan, eto si beteranong Direk at nag-message daw kay poging newbie at nag-aalok ng directorial expertise niya para diumano mas magkalaman ang mga ipinipalabas nito sa kanyang non-showbiz show.
May halo pa ring sarcasm ang message nito kay poging newbie , ayon sa aming source, pero nakasaad din doon na nag-aalok ito ng tulong. Na-miss daw kaya ni Direk na may nilalait-lait siya kaya kumo-kunek na naman siya kay poging newbie na matagal nang dumistansya sa kanya?
Deadma si poging newbie kay Direk. Tama na raw ang trauma na inabot niya. Sabi nga ni Bea Alonzo; Enough!
MORE PIKABOO:
Promising male talent, tumanggi sa isang magandang role para lang maka-iwas sa lead male talent
Singer-politician, nabigo ang pag-epal
Aktres na madalas ma-link sa mga pulitiko, may bagong politician na minamataan?