Bagets na olats sa talent, lead actor na dahil sa yayamaning madir

Noong nakilala nitong nanay ang mga bayarang organizers ng mga kung anu-anong nagsulputang award-giving bodies, ay bigla na lang may mga awards na itong anak n'ya as most promising tsururut at kung anu-ano pang awards na p'wedeng ikabit ang salitang "most."

Illustration: Katrina Jamilano

Noong nakilala nitong nanay ang mga bayarang organizers ng mga kung anu-anong nagsulputang award-giving bodies, ay bigla na lang may mga awards na itong anak n'ya as most promising tsururut at kung anu-ano pang awards na p'wedeng ikabit ang salitang "most."

Iba talagang magmahal ang mga nanay. Gagawin ang lahat para sa anak, kahit pa magtapon ng salapi.

Gaya nalang ng isang yayamaning nanay na pina-aandar ang salapi para lang matupad ang pangarap ng anak na makilala sa mundo ng showbiz.

Palaisipan sa mga taga-showbiz kung bakit bumabalong ang salapi ni Madir. At nakati-katihan nga nitong pasukin ang limelight.

Sa simula ay bumabakas-bakas lang s'ya sa mga concerts hanggang sa nagpo-produce na siya ng sarili niyang concerts at shows. May ibang nag-break even, pero karamihan ay lugi dahil puro amateur din ang mga pinagkakatiwalaan niyang tao na ang hangad lang din ang pagkakitain siya.

But never say die si Madir.

Ang latest, pinasok na rin niya sa showbiz ang anak niyang lalaki at pilit ginagawang singer. Kaso, hindi kaguwapuhan ang anak at hindi rin ganoon ka-galing kumanta. Pero dahil ma-pera, nagawa ni Madir na maka-kuha ng magpo-produce ng singles ng anak. At dahil nga nagpo-produce ng concerts, join lagi s'yempre ang dyunakis.

Hindi lang yon, may attitude rin si bagets. Bumabanat ng jokes sa mga co-artists na di naman niya ka-level pero kung hiritan niya ay parang magka-status o magka-edad sila. Marahil ay dahil alam n'yang nanay naman niya ang nagbigay ng raket sa mga ito.

At heto pa, noong nakilala nitong nanay ang mga bayarang organizers ng mga kung anu-anonhg nagsulputang award-giving bodies, ay bigla na lang may mga awards na itong anak n'ya as most promising tsururut at kung anu-ano pang awards na p'wedeng ikabit ang salitang "most."

Despite all the efforts, hindi naman umusad ang singing career ng anak n'yang mas malaki ang ulo kesa talent.

Pero blinded si Madir sa mga kahinaan ng anak. In fact, pakiramdam niya ay marami pang itong ibubuga kaya naman ginamit nito ang kuneksyon at kuwarta para maging aktor naman this time ang kanyang beloved son.

Dahil mayaman, kinaibigan ni madir ang mga may matataas na tungkulin sa isang network at sumosyo pa nga sa pagpo-produce ng show.

Ayun, major support agad ang ibinigay na role sa anak sa isang seryeng hindi naman nag-take off—sa popularidad man o sa ratings. Olats din ang pinakitang akting ng anak kaya hayun. Pero dahil malakas ang kapit, nagawa pa rin ni Madir na maipasok ang anak sa isa pang teleserye na balitang sising-sisi ngayon ang mga tao behind it dahil bano raw pala talagang umarte ang bagets.

But money talks talaga. This time, kinaibigan naman ni Madir ang isang director at ginawang kasosyo sa kanyang movie venture. Yes, nasa movie production na ngayon si madir and guess kung sino ang bida sa pino-produce niyang pelikula? S'yempre, si dyunakis!

Lead actor na ngayon ang anak at nagsisimula na ang shooting ng kanilang movie.

Pero naloka ang isang may mataas ang posisyon sa production dahil again, na-realize nilang sabaw talaga umarte itong anak ni yayamaning produ. May mga eksena raw na isang dosenang takes na ay hindi pa rin makuha ni bagets ang gusto ng director kaya inuumaga ang pack-up ng shoot.

“Bano naman kasi ang anak,” sabi nitong nasa production. “Pero hawak ng nanay n'yang producer sa leeg ni Direk. Ilusyonada naman kasi itong si nanay, pinipilit pasikatin ang anak, e, napaka- mediocre naman ng skills.”

In fairness, mabait naman daw itong si Nanay. Ang tanging sala niya ay ang pagka-bulag nito sa kakayahan ng anak.

Bulong-bulungan ng mga staff, sana raw ay mag-matapang na kape muna si madir para magising s'ya sa katotohanan na hindi mahusay ang anak n'ya bilang singer man o actor.  

At sana rin daw, huwag masyadong agresibo si madir sa paninilaw niya ng salapi sa mga taga-industria dahil baka hindi raw ito aware na pera-pera lang din ang pakay ng mga ito sa kanya. Sasakyan at sasakyan umano nga mga ito ang mga pantasya niya basta't bayaran sila.

Sana raw ay gamitin muna ni Madir ang salapi niya sa mga pang-self-improvement ni anak—both sa skills at sa ugali—at saka na n'ya isalang pag may ilalabas na. Hilaw at pilit nga naman kasi.

At kung talagang waley, tanggapin nalang at ihanap si bagets ng ibang papasuking mundo.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Barakong aktor, willing magpa-book kay galanteng beki kapalit ng milyoneseseseseses

Ma-appeal na aktor, "digital" na ang pambababae

"Dakilang" TV hunk, napilitang mag-adult diaper sa isang live guesting nang walang magkasyang underwear na pamalit sa nadumihan niya

Aktres na napasarap ang kain during a vacation, nawarakan ng costume sa taping

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.