Aktres, nagpalobo ng asking price; G na G o ayaw magtrabaho?

Ibinigay nalang sa iba ang inaaalok na project sa aktres na nagpataas ng talent fee. Mabubuhay naman daw ang network kahit wala siya lalo pa’t ang daming nagsusulputan na magagaling na bagong artista. Even ang mga second-tier artists ng network ay nagpapakitang-gilas na ngayon.

Illustration by Kat Jamilano

Ibinigay nalang sa iba ang inaaalok na project sa aktres na nagpataas ng talent fee. Mabubuhay naman daw ang network kahit wala siya lalo pa’t ang daming nagsusulputan na magagaling na bagong artista. Even ang mga second-tier artists ng network ay nagpapakitang-gilas na ngayon.

Naloloka ang management at production honchos ng isang TV network sa drama ngayon ng isa nilang talent.

Minsan daw kasi itong nilatagan ng isang proyekto pero nagpa-dagdag daw ng pagkataas-taas na TF (talent fee).

Dalawang bagay lang daw iyon. G na G o gipit na gipit si aktres o kaya naman ay nagbigay ito ng presyong-ayaw. Isa kasi itong parang ng indirect na pagtanggi sa isang project.

S’yempre, hindi kinagat ang asking price niya. Ano siya, sinuswerte? Number one, hindi naman daw siya rater kumpara sa ibang bida ng istasyon. Pangalawa, kinunsidera lang naman daw siya sa project para hindi siya mawala sa sirkulasyon.

Pero mas type daw yata ni aktres na sa social media nalang muna rumaket at dumisplay. Tila wala pa daw sa tamang kundisyon ito matapos ang mga pinagdaanang unos sa buhay.

Ipinagpalagay nalang daw ng mga executives na baka wala pa ito sa mood magtrabaho. 

Kaya ayon, binigay nalang sa iba ang inaaalok sa kanya. Mabubuhay naman daw ang network kahit wala siya lalo pa’t ang daming nagsusulputan na magagaling na bagong artista. Even ang mga second-tier artists ng network ay nagpapakitang-gilas na ngayon.

Ikinatuwa rin ng mga production staff na sa iba na napunta ang project. Marami kasi ang may hindi feel kay aktres dahil kulang na kulang ito sa PR.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Young actress na na-late sa taping, pinagsabihan ng senior co-actor na mag-sorry sa lahat nang pinaghintay niya

Aktor, wagi sa kanyang sex-toy business

Celebrity lady boss ng isang beauty brand, my secret liaison with a younger man

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.