Aktres na nagta-try mag-comeback, walang gustong mag-manage

Aktres na nagta-try mag-comeback, walang gustong mag-manage

In limbo pa rin ang career ng isang magaling na aktres na nagkaroon ng reputasyon ng pagiging “difficult.” 

May katagalan na rin ng last movie project nito at lalo namang wala siyang exposure sa TV. Minsang umingay ang pangalan niya ng makipag-deal siya sa isang movie company para dito gumawa na ng supposedly ay comeback movie niya. Pero maski iyon ay napurnada.

Matagal na ring walang nagre-represent sa kanya kaya bago projects, nag-focus muna siyang maka-hanap ng manager na tutulong magbenta ulit sa kanya, so to speak. May tumulong kay aktres para kumbinsihin ang isang kilalang manager ng mga artista. Pumayag naman si manager dahil malapit na kaibigan niya ang nakiusap.

Pero hindi pa man nagtatagal ay naghiwalay na sila ng landas. Nabisto-bisto kasi ni manager na hindi pa rin pala tinatalikuran ni magaling na aktres ang bisyo nito na siya ring itinuturong dahilan kung bakit siya naging pasaway sa mga trabaho niya noong araw. 

Marami pa ring nanghihinayang sa aktres dahil kung aktingan ang pag-uusapan, magaling naman talaga si aktres. Kailan daw kaya talaga makaka-buwelong muli ito?

 

MORE PIKABOO:

Celebrity mom, nawindang nang madiskubreng nakapagbukas ng malalaswang pictures sa Internet ang anak na Grade 1

Promising male talent, tumanggi sa isang magandang role para lang maka-iwas sa lead male talent

Singer-politician, nabigo ang pag-epal

Aktres na madalas ma-link sa mga pulitiko, may bagong politician na minamataan?

Aktres, tinanggihan ni aktor; second choice, nabuntis

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.