Mixed emotions ang nararamdaman ng mga kaibigan ng aktres para sa kanya.
Inlabey na naman kasi ito matapos ma-heartbroken ng ilang beses.
Masaya sila dahil masaya si aktres at obvious na inspired sa buhay.
Pero ang kasiyahang nararamdaman nila para sa aktres ay may bahid na pangamba dahil tila na-“wrong choice” of partner na naman daw ito.
May bulong-bulungan kasi na may secret life ang minahal nitong aktor na kahit wala namang stable career sa showbiz, lalo pa ngayong pandemic, ay tuloy-tuloy ang maluho nitong pamumuhay.
Ang worry ng mga kaibigan ng aktres ay baka daw mamaya ay nakiki-contribute na si aktres sa magarbong lifestyle ni aktor in terms of pabulosang gifts.
May pagka-“All Mine To Give” daw kasi si aktres pag nai-in love habang si aktor ay may secret reputation na pa-fall. At ang sinuman daw na mag-fall dito ay tila nabubudol at nagiging galante towards him.
Nagdadasal nalang ang mga kaibigan ni aktres na sana ay talagang mahal ng aktor ang kaibigan nila at hindi nabubudol lang. Otherwise, maha-heartbroken na naman ito.
Pag nagkataon, mukang may-I-therefore-conclude na silang tila may kamalasan sa lovelife ang kaibigan nila.
YOU MAY ALSO LIKE:
Lady singer na adik sa retoke, nakalimutang may show kaya nagpa-retoke na naman
Closeted actor, ayaw na sa taga-showbiz
TV host na pa-asa sa biyaya, di na siniseryoso ng staff
Newbie singer, magpapa-retoke muna bago i-full blast ang launching