Aktres, binenta ang mga gamit ng ex na aktor na nakatambak sa bahay niya

’Yung kinita raw sa pagbenta ng mga gamit ng aktor ay hindi ibinigay ni aktres sa ex niya dahil bayad daw iyon para sa ilang buwan na storage fee sa kanyang bodega at ang hati na rin ni aktor sa dalawang buwang renta sa kanilang tinirhan na akala ng aktor ay natakasan na niya.

Art: Niña Cabatcha

’Yung kinita raw sa pagbenta ng mga gamit ng aktor ay hindi ibinigay ni aktres sa ex niya dahil bayad daw iyon para sa ilang buwan na storage fee sa kanyang bodega at ang hati na rin ni aktor sa dalawang buwang renta sa kanilang tinirhan na akala ng aktor ay natakasan na niya.

Wala na raw babalikan na mga gamit ang aktor sa bahay na tinirhan nila ng kanyang ex-girlfriend na aktres dahil binenta na raw lahat ito ng aktres online.

Pinasubasta raw ni aktres ang mga mamahaling gadgets at kung anu-ano pang mga gamit ng aktor dahil ayaw na raw niyang makita ang mga ito. 

Imbes na itapon binenta niya at pinagkakitaan pa niya ang galit niya sa ex niya.

Noong nagli-live in pa raw ang dalawa, tuwing may bagong gamit ang aktor, tinatago niya ito sa bahay ng aktres. 

Naadik daw kasi sa online shopping ang aktor noong magkaroon ng pandemya. Kaya naipon daw ang mga nabili nito sa bodega ng bahay nila.

Pero nagkaroon ng personal na problema ang dalawa at nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila. Noong mag-alsa balutan ang aktor, naiwan nito ang maraming nabili niya online. 

Ilang beses daw na pinapakuha ng aktres ang mga iyon sa aktor at panay daw ang oo nito. Pero inabot na ng ilang buwan at parang walang effort itong kunin ang mga gamit niya. 

Isang araw ay nakatanggap daw si aktres ng message mula sa aktor na ipa-deliver na lang daw ang mga naiwan niyang gamit sa bagong address niya. Doon na uminit ang ulo ng aktres dahil siya pa ang papagurin nito na ipa-deliver ang marami niyang naiwang gamit. 

Kaya sa galit daw ni aktres, pinost niya sa isang online store ang mga gamit ni aktor sa mababang presyo. Mabilis daw nabili ang mga ito na ikinatuwa ng aktres. Lumuwag na ang bodega niya na puwede na niyang gamitin para sa mga gamit niya.

Nagpadala daw ng text message si aktres sa ex niya na huwag na nitong asahan ang pagdating ng mga naiwan niyang gamit dahil binenta na niya ang mga ito. 

’Yung kinita raw sa pagbenta ay di nito ibinigay sa ex niya dahil bayad iyon para sa ilang buwan na storage fee sa kanyang bodega at ang hati niya sa dalawang buwang renta sa kanilang tinirhan na akala ni aktor ay natakasan na niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Di kasikatang aktor, sinubukang ipuslit sa no-swab, no entry na studio ang tatlong alalay na lalaki

Aktres, nabuntis ng non-showbiz guy; ka-loveteam, nganga

Epal actor na mahilig magpa-rewrite ng script at magpa-retake ng shots, nakatikim ng bonggang sopla mula sa kasamang drama actress

Show ng dalawang aktres, na-cancel matapos nilang magtalakan sa set

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.