Aktres, atat nang magka-lovelife pero mga boylets ang mailap

"Sa isang blind date ko nga, mas na-attract pa ’yung afam [foreigner] sa waitress na nakatoka sa table namin. Kaya noong nag-CR  ’yung afam, binigay ko sa waitress 'yung number ng afam. Sabi ko, 'Ate, mas type ka niya kesa sa akin, eto number niya, mag-date kayo ha?'" natatawang tsika ng aktres na ready nang magka-boylet ulit pero walang mahanap.

Illustration: Katrina Jamilano

"Sa isang blind date ko nga, mas na-attract pa ’yung afam [foreigner] sa waitress na nakatoka sa table namin. Kaya noong nag-CR ’yung afam, binigay ko sa waitress 'yung number ng afam. Sabi ko, 'Ate, mas type ka niya kesa sa akin, eto number niya, mag-date kayo ha?'" natatawang tsika ng aktres na ready nang magka-boylet ulit pero walang mahanap.

Gusto na raw sanang magkaroon ng bagong boylet ang aktres na ito na matagal nang nakipaghiwalay sa kanyang boyfriend. Ang problema lang daw ay hindi niya alam kunsaan siya makakahanap.

Ayaw na raw nitong sumubok ng mga dating apps dahil puro mga weird na lalake raw ang nakikipagkilala sa kanya. 

"Naku, may takot na ako sa mga dating apps. Tatlong beses akong sumubok kasi okey daw sabi ng friend ko. Sa dating app kasi niya na-meet ang boyfriend niya ngayon. Kaso puro may mga saltik sa utak 'yung nakikilala ko,” natatawang tsika ng aktres.

“’Yung una, manyakis. ’Yung pangalawa, mas makapal pa ang make-up sa akin. ’Yung pangatlo naman, nagkunwaring single, may asawa pala. Gagawin pa akong kabit!"

May isang kaibigan naman daw siya na sinet-up siya sa mga foreigners. Baka raw mahanap niya ang bagong boyfriend niya sa isang afam.

"Hindi ako mabenta sa mga afam. Sa totoo lang, hindi nila ako type. Sa tatlong beses na blind date ko sa foreigner, hindi kami nag-click kasi iba ang gusto nila. Type nila ’yung exotic, e, hindi naman ako gano'n. Tisay kasi ako.

"Sa isang blind date ko nga, mas na-attract pa ’yung afam sa waitress na nakatoka sa table namin. Kaya noong nag-CR  ’yung afam, binigay ko sa waitress 'yung number ng afam. Sabi ko, 'Ate, mas type ka niya kesa sa akin, eto number niya, mag-date kayo ha?'" tawa pa ulit ng aktres.

Pinapasa-Diyos na lang daw ng aktres kung kelan siya makakakilala ng lalake na muling magpapatibok ng puso niya. Wala na raw kasing dahilan pa para balikan niya ang dating partner niya na naka-break niya noong kasagsagan ng pandemic.

"Super akong na-in love sa kanya noon at pinaglaban ko siya. Pero noong magkaroon ng pandemic, ang tagal naming hindi nagkita, hindi naging sapat ’yung video call lang. Bigla na lang nawala na 'yung mga nararamdaman amin para sa isa't isa. Kaya move on na ako. Maghanap tayo ng bagong makaka-inspire sa akin," diin pa niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Newbie actor, kinakanlong sa pagpapaka-K-Pop ang berdeng dugo

Single mom-actress, pinag-iisipan nang magtrabaho abroad; kapos na ang kita sa pag-a-artista

Dalawang aktres, nagbardahan; muntik magkapisikalan

Nag-resurface na social media account na aktor, nawala ulit nang may mangingil ng utang sa kanya

Grand entrance gimmick ng isang aktor sa isang event, napurnada

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.