Aktor, hindi maka-move on sa pagkaka-friendzone ng ginastusang aktres

Aktor, hindi maka-move on sa pagkaka-friendzone ng ginastusang aktres

Pikon at hindi pa pala naka-move on ang aktor na ito sa pangpe-friendzone sa kanya nang matagal niyang niligawan na aktres.

Sa pag-ge-guest ni aktor sa isang online show, may briefing muna tungkol sa mga questions na ibabato sa kanya ng mga viewers online. Ginagawa nila ito para walang gulatan at puwedeng i-omit ni aktor ang questions na ayaw niyang sagutin.

Kuwento ng aming source: "Hindi naman nagkulang ang show sa pag-brief kay aktor. Binigay sa kanya ang mga questions mula sa netizens at puwede siyang magtanggal ng ayaw niyang sagutin. Noong ibinalik na niya sa writer namin ang questions, okay daw lahat at kaya niyang sagutin. Kasama nga doon sa mga questions ang tungkol sa aktres na kinabaliwan at ginastusan niya noon pero ang ending, friendzoned lang pala siya, 'di ba?"

During the show, wala naman daw naging problema kay aktor pag dating na sa Q&A. Siya pa raw ang nagbasa ng questions at sinasagot niya agad. Pero pagkatapos daw ng show ay mabilis daw na umalis ang aktor sa studio at may nakakitang may tinatawagan siya at parang galit ang tono nito.

Ilang minuto after nakaalis ang aktor, biglang tumawag ang road manager ni aktor sa executive producer ng online show. Sinabi ng road manager na galit na galit ang aktor dahil nilagay daw siya sa hot seat tungkol sa mga questions sa aktres na na-link sa kanya noon. Ginulat daw siya sa mga questions kaya umalis na raw ito agad para magsumbong sa kanya.

Pagtatanggol naman ng EP ng show na wala silang ginawang dapat na ikagulat ng aktor dahil binigay sa kanya ang mga questions at wala itong tinanggal tungkol sa aktres. Bakit daw biglang nag-inarte at nag-imbento pa ng kuwento ang aktor?

Sey ng source namin: "Naka-droga ba ang aktor na 'yan? Maliwag na nagkaroon ng briefing sa kanya bago siya sinalang. Hindi nagkulang ang show namin. ’Yung list of questions ay binigay sa kanya para alam niya ang mga itatanong sa kanya at puwede siyang magtanggal.

“Huwag niyang sabihin na hindi niya nabasa, e, ang laki ng pagkakasulat ng name ng aktres doon. He can easily say na huwag ito kasi ayaw niyang sagutin. E, wala naman siyang sinabi at sasagutin daw niya lahat.

“So, ano ang drama niya? Di siya maka-move on? Tapos sisisihin niya ang show namin na nilalagay siya sa hot seat? Kung bigo siya sa aktres, huwag niyang ibaling ang pagkasawi niya sa mga taong nananahimik na nagtatrabaho!"

Nakiusap na lang daw ang road manager na i-edit out na lang ang mga sinagot nito tungkol sa aktres. Nag-sorry na rin ito sa EP dahil sa inasal ng aktor. 

Conclude nalang ng aming source, tama raw sigurong hindi pa ito nakaka-move on sa pag-friend zone sa kanya ng aktres na pagkatapos ng lahat ng atensyon at pagmamahal na binigay niya dito, ibang guy pala ang gusto nito at hindi siya. Ouchy nga naman.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aktor na “madaling mapagod,” nag-cause ng tension sa set

Aktres, naging major cause of delay ng isang lock-in shooting

Oportunistang aktor, tinalo pati kaibigan

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.