Actor-politician, napagkamalang birthday party ang ika-40th day ng isang namayapa

Actor-politician, napagkamalang birthday party ang ika-40th day ng isang namayapa

Sa 40th day ng kamamatayan ng isang respetadong aktor, isang special get-together ang ginawa para dito gaya nang nakagawian na ng mga Katolikong Pinoy. Halos lahat nang nakiramay noon sa biyuda ng aktor ay nagsipuntahan muli sa 40th Day get-together para ipagdasal at muling sariwain ang magagandang alala-ala nila with the dearly departed actor.

Sa gitna ng mga pagbabalik-alala ng mga bisita, may pumasok na isang lalaki na may dala-dalang birthday cake. Hinarap ito ng biyuda ng actor kahit hindi niya ito kakilala.

Sabi ng lalaki, ang cake daw ay padala ng uncle niyang actor-politician, sabay abot nito sa biyuda with matching “Happy birthday po. Sorry daw po, hindi siya makakarating…”

Takang-taka man ang biyuda ay tinanggap niya ang cake at nag-thank you sa lalaki. 

Pagka-alis ng lalaking nagdala ng cake, hindi napigilang magtawanan ng mga naka-saksi. May ilan ding napa-iling na tila ang inutusang pamangkin ay mana sa uncle nito na bagama’t guwapo at naging pulitiko, ay kilala sa showbiz na may kahinaan ang sentido kumon.

May ilan namang nagtangol sa actor-politician na dahil daw siguro sa pagka-busy nito ay hindi na nito naipaliwanag nang maayos ang bilin…o baka naman ang bilin ay nagpasalin-salin na sa mg aides nito kaya nagka-windangan na. Madalas kasi na ang mga social obligations gaya ng pagpapadala ng cakes, lechon, bulaklak at kung anu-ano pa sa mga okasyon ay ibinibilin nalang ng mga pulitiko sa mga tao nila.

Dapat lang ay nado-double check para hindi nagiging kahiya-hiya. Baka mamaya sa mga totoong may birthday naman siya makapagpadala ng bulaklak ng patay?

 

MORE PIKABOO:

Celebrity mom, nawindang nang madiskubreng nakapagbukas ng malalaswang pictures sa Internet ang anak na Grade 1

Promising male talent, tumanggi sa isang magandang role para lang maka-iwas sa lead male talent

Singer-politician, nabigo ang pag-epal

Aktres na madalas ma-link sa mga pulitiko, may bagong politician na minamataan?

Aktres, tinanggihan ni aktor; second choice, nabuntis

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.